PAMILYAR ang pangalan niya dahil sa katawagan sa kanya. “Ina ng Biak na Bato” at “Ina ng Philippine Red Cross.” Sumapi si Trinidad Tecson sa Katipunan women chapter noong 47 years old na siya. Kasama ang mga lalaki, nakipaglaban siya sa madugong sagupaan sa Bulacan, pati na sa Biak Na Bato. Kahit umano masugatan siya, makaramdam lamang siya na bumuti-buti na ang pakiramdam ay agad siyang babalik sa pakikipaglaban.
Isa sa pinakamatindi niyang laban ay nang siya at ang tatlo niyang kasama ay nang-raid sa courthouse ng Caloocan, Rizal upang makakuha ng maraming armas. Matapos ito, pinamunuan niya ang grupo ng limang kalalakihan na kumuha uli ng mga armas sa isang kulungan sa San Isidro, Nueva Ecija.
Sa mga pagkakataong ito, nagupo nila ang mga nagbabantay kahit pa mas marami ang kalaban.
Tinawag siyang Ina ng Biak na Bato nang magsilbbing headquarters at hideout ni Emilio Aguinaldo at ng kanyang tropa ang kanyang kampo. Katulad ni Tandang Sora, inalagaan niya ang mga maysakit at sugatang Katipunero, kaya kinilala rin siyang Ina ng Mother of Philippine Red Cross. Dahil sa kanyang katapatan, tinawag siyang Commissary of War sa panahon ng Malolos Republic.
Nang umalis ang mga Kastila at naiwan ang mga Americano, nagpatuloy siya sa paglaban sa ilalim ng kautusan ni General Gregorio del Pilar. Sa kasamaang palad, hindi na niya nasaksihan ang Kalayaan ng bansang kanyang ipinaglalaban dahil namatay siya noong January 28, 1928 sa edad na 80 anyos. Inilibing siya sa Mausoleum of Veterans sa Manila North Cemetery. – LEANNE SPHERE