(TRO vs CDO ng NTC inihirit) ABS-CBN DUMULOG SA SC

Abs-Cbn

NAGPASAKLOLO na ang media network na ABS-CBN sa Korte Suprema makaraang matigil ang kanilang operasyon noong Mayo 5 dahil sa pagtatapos ng kanilang prangkisa at isyuhan sila ng cease and desist order (CDO) ng National Telecommunications Commission (NTC)

Sa inihaing 46-pahinang petition for certiorari and prohibition ng ABS-CBN Corp., hiniling nito sa Korte Suprema na magpalabas ng temporary restraining order (TRO) laban sa implementasyon ng CDO na inisyu ng NTC.

Nais din  ng media network na isaisantabi ng Kataas-taasang Hukuman ang CDO at magdeklara ng permanent injunction laban sa implementasyon nito.

Ikinatuwiran ng ABS-CBN na nakagawa ang NTC ng grave abuse of discretion nang magpalabas ng CDO, sa halip na idulog ang isyu sa Kongreso, at maglabas ng provisional authority para payagan silang magpatuloy ng operasyon.

Naninindigan din ang ABS-CBN na ang pag-isyu ng CDO ng NTC laban sa kanila ay isang paglabag sa kanilang right to equal protection of the law at right to due process, dahil inisyu ito nang walang due notice at hearing.

Nilalabag din umano ng CDO ang karapatan ng publiko sa impormasyon at hinahadlangan ang freedom of speech.

Nakalikha rin umano ito ng seryoso at irreparable damage sa ABS-CBN at sa libo-libo nilang empleyado. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.