Mga laro ngayon:
2 p.m. – Phoenix vs Terrafirma
4:35 p.m.- NorthPort vs Blackwater
BUMAWI ang San Miguel Beer mula sa pagkakasilat sa Terrafirma sa pamamagitan ng 83-67 panalo kontra TNT Tropang Giga sa PBA Philippine Cup kahapon sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.
Umangat ang Beermen sa 4-2 kartada habang nalasap ng Tropang Giga ang unang pagkabigo sa pitong laro bagama’t nanatili ito sa ibabaw ng standings na may 6-1 rekord.
Naglaro na wala ang kanilang main guard na si Alex Cabagnot, ang SMB ay pinangunahan nina Marcio Lassiter at Terrence Romeo na nagpasabog ng 19 at 16 points, ayon sa pagkakasunod. Nagdagdag si June Mar Fajardo ng 9 points at team-high 17 rebounds.
Binitbit ni Kib Montalbo ang opensiba ng Tropang Giga sa kinamadang 13 points habang tumapos sina RR Pogoy at Brian Heruela na may tig-10 markers.
Sa ikalawang laro ay pinataob ng Magnolia Ang Pambansang Manok ang NLEX sa double overtime, 112-105.
Naitala ni Calvin Abueva ang kanyang league-high fourth double-double na may 23 points at 12 rebounds, habang nanguna si Ian Sangalang sa ikalawang extra period sa pagkamada ng anim sa kanyang 21 points para sa Hotshots na nakumpleto ang paghahabol mula sa 16-point deficit.
“It’s all about grit and determination,” wika ni Magnolia coach Chito Victolero makaraang umangat ang kanyang koponan sa 6-2 kartada para sa solong ikalawang puwesto.
“I think we were down by (16) in the third quarter. We just tried to be composed and ang sabi ko lang sa kanila, we just try to limit ‘yung aming turnovers and at the same time mababa lang sa single digit pagdating ng fourth quarter. Then ‘yun, unti-unti.”
Gayunman ay hindi lamang ang dalawang tubong Pampanga ang nagningning para sa Hotshots, kung saan naisalpak ni sophomore forward Aris Dionisio ang isang off-balanced three-point shot, ang kanyang ikatlo para sa laro, upang itabla ang talaan sa 104, may 2.4 segundo ang nalalabi sa unang OT.
May pagkakataon pa sana si Dionisio na outright na makuha ang panalo para sa Hotshots nang marekober niya ang mintis na bonus free throw mula sa follow up ni JR Quinahan, subalit sumablay ang kanyang follow-up bago ang buzzer.
Tumapos si Dionisio na may 11 points, habang kumana si Paul Lee ng 18 points, at nagdagdag si Mark Barroca ng 13 points, 7 rebounds at 5 assists.
“This group of guys, I’m very proud,” ani Victolero. “Kasi they don’t give up, eh. ‘Yung tinrabaho nila sobrang deserving talaga silang manalo. Second overtime ‘yung puso nila and ‘yung energy nila nandoon pa rin.”
Naputol ang four-game winning streak ng NLEX upang mahulog sa 4-3 marka.
Nanguna si Jericho Cruz para sa Red Warriors na may 21 points.
Iskor:
Unang laro:
Magnolia (112) – Abueva 23, Sangalang 21, Lee 18, Barroca 13, Dionisio 11, Corpuz 9, Ahanmisi 6, Jalalon 6, Dela Rosa 2, Pascual 2, Reavis 1, Brill 0, Melron 0, De Leon 0, Capobres 0.
NLEX (105) – Cruz 21, Trollano 15, Quinahan 14, Porter 13, Semerad 12, Alas 9, Miranda 8, Soyud 7, Oftana 3, Paniamogan 3, Ighalo 0, Ayonayon 0, McAloney 0, Galanza 0.
QS: 29-26, 45-49, 71-84, 94-94, 104-104, 112-105
Ikalawang laro:
San Miguel (83) – Lassiter 19, Romeo 16, Tautuaa 13, Perez 13, Santos 9, Fajardo 8, Ross 3, Zamar 2, Pessumal 0, Gamalinda 0.
TNT (67) – Montalbo 13, Heruela 10, Pogoy 10, Rosario 9, M. Williams 7, Alejandro 7, Erram 5, Marcelo 3, Mendoza 2, Castro 1, Exciminiano 0.
QS: 24-10, 43-43, 64-44, 83-67.
Comments are closed.