SA pangunguna ni Governor Ryan Singson, League of Municipalities (LMP) President Chavit Singson at libong residente ng Ilocos Sur, malugod na sinalubong sina presidential at vice presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Sara Duterte, at kanilang grupo nang bisitahin nila ang probinsiya nitong Pebrero 17, 2022.
Binaybay ng Uniteam caravan ang Sinait patungong Vigan City. Dito naganap ang magarbong rally sa Quirino Stadium kung saan maalab na sinalubong ang contingent saliw ang masigabong sigawan ng libu-libong sumusuportang dumalo sa pagtitipon.
Nagkaroon pa ng maikling pagpupulong ang mga miyembro ng Uniteam sa mga opisyal ng LGU sa bagong pinasinayaang Provincial Farmers Livelihood Development Center, pagkatapos kung saan ang caravan ay dumiretso sa Narvacan Farmers Market para makadaupang palad naman ang kanilang masugid na tagasuporta.
Nagpahayag ng buong suporta si Gov. Ryan para sa Uniteam electoral slate at dagdag pang si LMP President Chavit ay mariing nasa likod para sa pampulitikang desisyon ni Gov. Ryan.
Ayon kay Gov. Ryan, nandiyan ang Solid North para suportahan ang anak ni Apo Lakay at kanyang running mate, na may tinatayang 90 porsiyento ng boto ng rehiyon ay nakatali na para sa tambalan ng partido.
Sa pagbisita sa lalawigan, iniulit ni Marcos Jr. ang kanyang panawagan ng pagkakaisa ng bansa at gayundin ang paghayag niya ng kagalakan at pasasalamat kay Sara Duterte sa pagpayag nitong maging running mate niya sa pambansang halalan.
“I feel that I am the luckiest presidential candidate because my partner running for vice presidents is Mayor Sara Duterte, one of the best and greatest, and most importantly, someone with conviction in her dreams and desires for our beloved Philippines. We both agreed on what course of action is needed to be done for Filipinos to rise up from the crises that we are undergoing – both the pandemic and economic crisis. We might not see eye to eye on other things, but I fervently hope that we can all agree that we can surpass this. That we can face the world and proudly say that we are Filipinos, with heads held high,” ani Marcos, Jr.