TROPANG GIGA BALIK SA FINALS

tnt vs phoenix

NANAIG ang karanasan ng TNT Tropang Texters upang pataubin ang Phoenix Fuel Masters, 91-81, at umabante sa PBA Philippine Cup finals kahapon sa AUF Gym sa Angeles City, Pampanga.

Muling nagningning si Ray-Ray Parks sa pagkamada ng 25 points, 10 rebounds at 6 assists, kung saan 15 sa kanyang mga puntos ay naitala sa fourth quarter na pangunahing responsable para makalayo sa Phoenix at pangunahan ang TNT sa ikalawang sunod na panalo sa series.

Makakalaban ng Tropang Giga sa best-of-seven finals na magsisimula sa Linggo ang mananalo sa Barangay Ginebra at  Meralco.

“It’s good to be back in the finals. I must commend the players… all of them. They really stepped up,” wika ni TNT coach Bong Ravena.

“Hats off to Phoenix,” sabi pa ni Ravena. “They really made us, you know, better everyg game that we played. Kung gusto mong gumaling kailangan magaling din ‘yung kalaban mo. It (series) helped us a lot. Salute to them.”

Tumapos si Calvin Abueva na may 23 points, 13 rebounds, 6 assists at 3  blocks, subalit hindi nakakuha ng sapat na suporta mula sa kanyang mga kasamahan.

Umiskor si Matthew Wright ng  13 points ngunit

5-of-16 lamang sa field shooting, nagtala si Jason Perkins ng double-double na 11 points at 11 rebounds subalit gumawa ng apat na turno-vers, habang nag-ambag si RJ Jazul ng 8 points.

Bilang koponan, 28 lamang ang naipasok ng Phoenix sa 77 field goal attempts, kabilang ang 8-of-41 mula sa 3-point area, at gumawa rin ng 18 turnovers.

Taliwas dito, apat na iba pang TNT players ang tumapos na may hindi bababa sa 11 points, kabilang si Roger Pogoy, na ang five-point clus-ter ay nagbigay sa Tropang Giga ng 75-58 kalamangan. CLYDE MARIANO

Iskor:

TNT (91) – Parks 26, Enciso 12, Washington 11, Pogoy 11, Castro 11, Erram 9, Carey 4, Montalbo 3, Rosario 4, Reyes 0.

PHOENIX (81) – Abueva 23, Wright 13, Perkins 11, Chua 9, Jazul 8, Heruela 7, Rios 6, Mallari 4, Garcia 0.

QS: 25-20; 40-34; 62-53; 91-81.

Comments are closed.