NALUSUTAN ni Almond Vosotros at ng TNT Tropang Giga ang late-shooting charge ni Tonino Gonzaga upang maungusan ang Meralco, 21-19, at kunin ang opening leg ng PBA 3×3 Lakas Ng Tatlo second conference.
Nagbuhos si Vosotros ng team-high 10 points at isinalpak ang title-clinching 2 na nagbigay sa TNT franchise ng isa pang leg crown sa standalone tournament.
Nagdagdag si newly acquisition Mark Acuno ng 4 points, at gumawa sina Samboy De Leon at Lervin Flores ng 4 at 3, ayon sa pagkakasunod, para sa TNT, na nakopo ang top prize na nagkakahalagang P100,000.
Nakaulit ang Tropang Giga laban sa Bolts na naitala ang 21-18 panalo sa maiden leg ng opening conference noong nakaraang taon.
Noong hindi pa nag-iinit si Vosotros ay naghahabol ang Tropang Giga sa Bolts, 3-8.
Subalit nag-iba ang ihip ng hangin nang manalasa ang veteran guard sa huling bahagi ng laro, na nagbigay sa TNT ng 16-15 kalamangan.
Gayunman ay hindi sumuko si Gonzaga at itinabla ang laro sa 17.
Kasunod nito ay nakipagpalitan ng tira ang playmaker mula sa Ateneo kay Vosotros upang manatiling tabla ang talaan sa 19, bago sinelyuhan ng TNT ang panalo sa isang malaking outside basket mula sa top player nito.
“Luckily pumasok ‘yung tira ni Almond. He’s been missing shots, but I told him to keep on shooting kasi yun ang laro niya. And the right moment will come, papasok din yan,” sabi ni TNT coach Mau Belen.
“And what more a right moment can come than the last two points for the championship.”
Nanguna si Gonzaga sa lahat ng scorers na may 11 points para sa Bolts, na kinuha ang runner-up purse na P50,000.
Naisaayos ng Tropang Giga at Bolts ang kanilang title showdown makaraang subakin ang kani-kanilang katunggali sa semifinals.
Naungusan ng Meralco ang top seed Barangay Ginebra, 21-20, habang ginapi ng TNT ang Limitless App, 20-19.
Nakopo ng Kings ang kanilang pinakamatikas na pagtatapos sa three-a-side meet nang kunin ang third place kontra Appmasters, ang inaugural grand champion, 21-17.
Tumanggap ng P30,000 ang Kings, na pinagbidahan ni rookie player Encho Serrano na may 8 points.
Iskor:
Barangay Ginebra (21) – Serrano 8, Villamor 6, Go 5, David 2.
Limitless (17) – Napoles 8, Rosser 6, Hayes 2, Caduyac 1.
***
TNT (21) – Vosotros 21, Acuno 4, De Leon 4, Flores 3.
Meralco (19) – Gonzaga 11, Sedurifa 6, Batino 2, Maiquez 0.