TROPANG GIGA NAKADALAWA NA

NALUSUTAN ng TNT Tropang Giga ang matikas na pakikihamok ng Magnolia Pambansang Manok Hotshots upang maitala ang 105-93 panalo sa Game 2 at kunin ang 2-0 lead sa 2021 PBA Philippine Cup finals kagabi sa Bacolor, Pampanga.

Nadominahan ng Tropang Giga ang battle-weary Hotshots, na ang lineup ay tinampukan ng injuries.

Muling nagbida si rookie Mikey Williams para sa TNT sa pagkamada ng 28 points, kabilang ang 5 triples, kasama ang 9 rebounds, 6 assists, at 1 steal.

Apat na iba pang Texters ang nagposte ng double digits at pinigilan ang bawat paghahabol ng Hotshots.

Tumipa si Jayson Castro ng 16 points, habang umiskor sina  Brian Heruela at Troy Rosario ng tig-11 points, habang kumabig si Ryan Reyes ng 10 points.

Tulad sa Game 1, sina Williams at Castro ay naging agresibo sa  first half kung saan umabante ang TNT ng hanggang 21 points.

Nahirapan si Paul Lee, may iniinda sa balikat, na kumonekta sa three-point area, habang naglaro si Ian Sangalang na may back spasms.

Bumanat ang Magnolia ng 9-0 run, tampok ang triple ni Jio Jalalon, na tumapyas sa deficit sa 86-79 papasok sa fourth quarter.

Isa pang rally ng Magnolia ang nagpababa sa kalamangan ng TNT sa apat na puntos, 90-86, sa kalagitnaan ng fourth quarter ngunit nagpakawala si Williams ng isang triple at isinalpak ang driving layup upang palobohin ang bentahe ng Texters sa 95-86.

Tinangka ni Sangalang, na tumapos na may  25 points, na isalba ang kanyang koponan subalit laging may sagot ang TNT.

Sisikapin ng TNT na kunin ang 3-0 bentahe sa Game 3 sa Linggo, October 24, sa alas-4:35 ng hapon. CLYDE MARIANO

Iskor:

TNT (105) – M. Williams 28, Castro 16, Rosario 12, Heruela 11, Reyes 10, Pogoy 9, Erram 6, Khobuntin 5, Montalbo 5, K. Williams 3, Exciminiano 0, Alejandro 0, Marcelo 0, Javier 0, Mendoza 0.

Magnolia (93) – Sangalang 25, Lee 12, Abueva 11, Barroca 11, Dionisio 9, Ahanmisi 6, Dela Rosa 6, Jalalon 5, Corpuz 4, Reavis 4, Brill 0, Melton 0, De Leon 0, Capobres 0, Pascual 0.

QS: 40-27, 66-50, 86-79,105-93.

120 thoughts on “TROPANG GIGA NAKADALAWA NA”

  1. 99863 366185If running proves to be a problem then it may be wise to locate alternative exercises such as circuit training, weight training, swimming or cycling. 991029

  2. 641420 656448I like what you guys are up too. Such smart work and reporting! Carry on the superb works guys Ive incorporated you guys to my blogroll. I think it will improve the value of my site 469611

  3. 325371 565308Wonderful! This weblog looks just like my old one! It is on a entirely different subject but it has pretty significantly exactly the same layout and design. Fantastic choice of colors! 329645

Comments are closed.