Mga laro sa Biyernes:
Araneta Coliseum
3 p.m. – Phoenix vs Meralco
6 p.m. – NorthPort vs TNT
NAKOPO ng TNT Tropang Giga ang isang puwesto sa quarterfinals ng PBA Governors’ Cup makaraang tambakan ang sibak nang Terrafirma Dyip, 127-107, nitong Miyerkoles sa Araneta Coliseum.
Dinaig ng Tropang Giga ang Dyip sa bawat quarter patungo sa kanilang ika-4 na sunod na panalo at 6-4 kartada.
Isa pang panalo laban sa NorthPort sa pagwawakas ng eliminations sa Biyernes ay magtatapos ang TNT sa top four na may kaakibat na win-once advantage sa susunod na round.
Gayunman, para magawa nila ito ay kailangan nilang hasain ang kanilang laro sa husay na nais ni coach Chot Reyes.
“I hope we’re not yet peaking because there’s still a lot of things for us to work on in our game,” ani Reyes, halatang hindi pa rin kuntento sa conference-high 14 steals na naitala ng kanyang tropa.
“Our defense was terrible today, just horrible,” dagdag ni Reyes. “The good thing is, there are still a couple more games and I know we’re in for a very, very tough battle on Friday against NorthPort. They’re the hottest team in the league now so that way we’re gonna be tested.
Let’s see how we play there. If we defend them like we did tonight we’ll be in trouble.”
Nanguna si import Aaron Fuller para sa TNT na may double-double na 24 points at 12 rebounds habang nagdagdag si rookie guard Mikey Williams ng 16 markers at 6 assists, kumubra si Jayson Castro ng 15 points at 6 dimes, at umiskor sina Poy Erram at Kib Montalbo ng tig- 12 markersz
Tinapos ng Terrafirma ang isa na namang nakadidismayang kampanya sa five-game losing skid upang mahulog sa 2-9 marka.
Nagbuhos si Antonio Hester ng 30 points at 13 rebounds, habang nagdagdag si Ed Daquioag ng 19 points at tumipa si Joshua Munzon ng 16 points para sa Dyip. CLYDE MARIANO
Iskor:
TNT (127) – Fuller 24, M. Williams 16, Castro 15, Montalbo 12, Erram 12, Rosario 9, Pogoy 8, K. Williams 8, Reyes 7, Khobuntin 7, Ganuelas-Rosser 6, Marcelo 3, Alejandro 0, Banal 0.
Terrafirma (107) – Hester 30, Daquioag 19, Munzon 16, Calvo 9, Batiller 9, Cahilig 8, Go 5, Pascual 4, Ramos 4, Balagasay 3, Camson 0.
QS: 30-23, 61-53, 90-77, 127-107.