TROPANG GIGA TODO ENSAYO

tnt

PUSPUSAN ang pagsasanay ng Talk ‘N Text Tropang Giga sa isang bubble setup sa Ilocos Norte.

Bukod sa pagwo-work out at araw-araw na scrimmage sa  court, idinagdag ng koponan ang aqua training sa kanilang itinerary.

Sa pinakabagong videos na ipinadala ng TnT sa PBA noong Lunes, ang Tropang Giga ay makikitang isang oras na nasa pool ng Fort Ilocandia.

Sa isang video ay makikita ang dalawang grupo ng mga player na tumatawid sa  pool na magkakatapat, at sa isa ay habang nagsasagawa ng low jumps sa tubig ang Tropang Giga.

Ito ang unang pagkakataon na isinama ng koponan ang workout sa programa nito upang hindi maging monotony ang kanilang ginagawa araw-araw sa Ilocos Centennial Arena para sa kanilang twice-a-day practice.

Matatapos ang training camp ng Tropang Giga sa katapusan ng buwan bilang bahagi ng paghahanda ng koponan para sa season opener Philippine Cup.

Hindi kasama sa training camp ng TnT si top rookie Mikey Williams, na kasalukuyan pa ring nasa US at hinihintay ang  second dosage ng kanyang bakuna kontra COVID-19.

Ang no. 4 overall pick sa nakaraang draft ay inaasahang darating sa bansa matapos ang training camp.

Ang TnT ay isa sa dalawang koponan na minabuting mag-ensayo sa Laoag kasama ang Meralco sa imbitasyon ni Ilocos Norte Governor Matthew Manotoc. CLYDE MARIANO

12 thoughts on “TROPANG GIGA TODO ENSAYO”

  1. 788628 993644Hi there, just became aware of your weblog by way of Google, and discovered that it is truly informative. Ill be grateful should you continue this in future. Lots of people will benefit from your writing. Cheers! 165598

  2. 371278 617755I was suggested this internet site by my cousin. Im not positive whether this post is written by him as nobody else know such detailed about my dilemma. You are incredible! Thanks! 632953

  3. 998979 422034hello!,I like your writing so much! share we communicate extra approximately your post on AOL? I require an expert in this space to solve my difficulty. Possibly that is you! Looking ahead to see you. 773853

Comments are closed.