TRUTH, DEPENSA NI LOCSIN SA BOBA?

rey briones

HINDI ako abogado, Suki.

Kaya ang pinaghuhugutan ko ng aking paniniwala at pananaw sa buhay sa bawat araw ay ang sentido komun.

Derpor, naniniwala ako, Suki, na may pinagbasehan si Sec. Locsin ng DFA nang kanyang ihayag sa Twitter na ‘boba’ si Leni Robredo.

Kasi, aydol ko itong si Teddyboy… hindi lang sa sobrang husay n’yang magsalansan ng mga pangungusap.

Kundi asintado pa siya, Suki, sa pagpuntirya ng katangian at depekto ng mga politiko.

Aywan ko kung eksakto itong aking pagsalin sa Filipino sa sinabi ni Sec. Locsin tungkol kay Ma’am Leni:

“Mayroon ba d’yan puwedeng maawa at bigyan siya (Robredo) ng utak?”

Truth hurts? Ha-ha-ha!

Kaya hindi maka-move on ang mga politiko na ‘rider’ ni Ma’am Leni sa pangarap na muling mamayagpag sa ka-pangyarihan.

oOo

You can’t help but like Ma’am Leni.

‘Yan ang pakiramdam ko.

Kasi, Suki, sa tuwing magbubuga ng pahayag ang kanyang pinagpipitagang bibig ay sadyang ‘di ko maiwasang mag-isip na…

…Na ang galing-galing ko pala! Ha-ha-ha!

Kaya nang tawagin ni Sec. Locsin na ‘boba’ si Ma’am Leni ay may kasunod akong tanong:

Bakit ‘yan nasabi ni Aydol Teddyboy?

Ano ang kanyang sinandalang rason?

Emosyon ba, o ngitngit lang dahil sa magkaiba sila ng sulok sa politika?

Aha! May naisip pa akong mas matibay na dahilan kung bakit ‘binoba’ si Ma’am Leni.

Katotohanan kaya, Suki?

Aba’y kanya-kanya tayo ng opinyon.

oOo

In fairness kay Mrs. Robredo, Suki, ay hindi naman siguro utak ang kailangan n’ya.

Opkors mayroon siya n’yan.

Ang kailangan n’ya marahil ay isang matino at totoong may malasakit sa kanya na adviser.

‘Yong adviser na may dedikasyon at palaging nag-iisip na ‘di dapat mapapahamak ang OVP at personal na pagkatao ni Ma’am Leni.

At siyempre pa, ang importante sa lahat ay ‘yong may utak din. Ha-ha-ha!

Tama ba ako, ha, Senador Kiko?

Comments are closed.