TSANSA NA MAILIPAT ANG BIRD FLU SA TAO, MALIIT LANG-DA

Arlene Vytiaco

AGAD nilinaw ng Department of Agriculture (DA) ang pangamba ng publiko na posibleng kumalat at lumipat sa katawan ng tao ang sakit na bird flu o H5N6 virus na karaniwang dumadapo sa mga alagang ibon at manok.

Sang-ayon kay Dr. Arlene Vytianco ng DA, maaaring madapuan ng naturang avian influenza ang tao sakaling direktang mahawakan nito ang ihi o dumi ng isang ibon o alagaing manok na nagtataglay ng naturang uri ng sakit kung kayat payo ng doktor na ugaliin ang paghuhugas ng kamay.

Aniya, napakaliit lamang ng tsansang makahawa ito sa isang tao kasunod ang pahayag na wala pang insidente ng human transmission o nailipat ito noon sa katawan ng isang tao gaya ng kumalat ito noon sa

Pampanga at Nueva Ecija kung saan libo-libong mga manok ang isinailalim sa culling o pinag papatay at inilibing noong 2017.

Samantala, nabatid na may kabuuang 24 laboratory-confirmed cases ng human infection ng H5N6 virus kabilang ang 7 namatay ang napaulat mula sa China noong pang 2014, sang-ayon sa World Health Organization (WHO) nito lamang Marso 6.

Lumalabas na ang nasabing virus strain ay kahalintulad ng natukoy sa isang quail farm sa Jaen, Nueva Ecija na ipinarating ni Agriculture Secretary William Dar nito lamang Lunes na nagresulta sa pagkakapatay sa tinatayang nasa 12,000 alagaing mga pugo.

Kasunod nito, masusi namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa naturang kaso na hinihinalang nagmula sa mga  migratory bird na karaniwang lumilipat sa Filipinas bunsod ng mga nagdaang malamig na klima mula sa northern China.

Mariin namang ipinagbabawal muna ang pagbebenta ng mga karne at itlog ng pugo sa bahagi ng Nueva Ecija upang maiwasan ang anumang pagkalat ng anumang posibleng nakahahawang sakit. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.