TSERMAN AARMASAN NI DIGONG

PANGULONG-DUTERTE-2

KINUKONSIDERA pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte na armasan ang mga punong ba­rangay sa bansa para maging epektibo sa pagpapatupad ng kapayapaan sa kanilang mga lugar.

Ayon kay Pangulong Duterte na mahalaga ang papel ng mga punong barangay sa pagpapanatili ng kapayapaan sa kanilang nasasakupan.

Gayunpaman, pag-aaralan munang mabuti ng Pangulo kabilang ang i­lang kinauukulang ahensya sa nasabing plano.

At dahil sa pahayag nito ng Pangulo, maraming mga kritiko ang tumututol at nangangambang maaaring ipatupad ang Martial Law sa bansa na agad naman pinabulaanan ng gobyerno.

Comments are closed.