BULACAN – BIGONG maisalba ng mga doktor ang buhay ng barangay chairman na pinagbabaril sa kanyang tindahan ng bigas, habang isang bystander ang sugatan din sa ligaw na bala sa bayan ng San Ildefonso.
Ganap na alas-7:00 ng umaga nang maganap ang pamamaril sa biktima sa Brgy. Malipangpan.
Kinilala ang nasawing biktima na si Felimon Lazaro Santos, 52-anyos, at isang Richard del Rosario.
Nabatid na lulan ng motorsiklo ang mga suspek na armado ng maikling kalibre ng baril.
Samantala, inaalam pa ng mga pulis kung sino at ano ang motibo sa pamamaril. THONY ARCENAL
Comments are closed.