NANAWAGAN ng tulong si Cebu Archbishop Jose Palma para sa mga pamilya ng kanilang parokya na nasalanta ng bagyong Odette.
Mahigit 14,000 pamilya mula sa 13 parokya ang lubhang naapektuhan ng nasabing bagyo, ayon kay Palma.
Mahalaga aniya sa ngayon ang pagkain, de-boteng inuming tubig, gasolina para sa mga generator set, sleeping mat, flashlight at hygiene kit.
Samantala, sinisikap ngayon ng Cebu Caritas, Inc. na makipag-ugnayan sa mga parokyang lubhang apektado para sa damage assessment. DWIZ882