PATULOY na bumababa ang lebel ng tubig sa Angat dam sa harap na rin ng limitadong pagbuhos ng ulan sa iba’t ibang panig ng bansa.
Sa datos mula sa Pagasa Hydrometeorological Division kahapon ng umaga ay bumagsak sa 185.39 meters ang lebel ng tubig sa Angat kumpara sa 185.41 meters kamakalawa.
Maliban sa Angat dam, bumaba rin ng bahagya ang lebel ng tubig sa iba pang mga dam tulad ng Ipo, La Mesa maging sa Caliraya dam.
Ayon sa Pagasa, kinakailangan ng 900 hanggang 1000 milimetrong tubig ulan ng Angat dam sa loob ng isang buwan para madagdagan at manumbalik sa normal ang lebel ng tubig dito. DWIZ 882
Comments are closed.