MULI na namang bumaba ang lebel ng tubig sa Angat Dam kahapon.
Sa datos ng Pagasa, alas-6:00 ng umaga naitala sa 161.45 meters ang antas ng tubig sa Angat Dam.
Mas mababa ito sa naitalang 161.86 meters, 6 ng umaga ng Biyernes.
Maliban sa Angat Dam, nabawasan din ang lebel ng tubig sa mga dam ng Ipo, San Roque, Pantabangan at Caliraya. Ito ay bunga ng pagtigil ng mga pag-ulan at ang patuloy na pag-init ng panahon.
Comments are closed.