TUBIG ULAN TUMAGAS SA KISAME NG FOOD CHAIN

CAVITE-DAHIL sa tindi ng kulog at kidlat, bumuhos ang napakalakas ng ulan na naranasan nitong Linggo na nagdulot ng pagbaha sa lalawigang ito.

Subalit, ang inaasahan sanang pagsisilungan ng mga tao na isang food chain ay inulan din sa Centennial Road sa Kawit, Cavite.

Nabulabog ang mga costumer nang magsimulang bumulwak at tumagas ang tubig sa loob mismo ng kisame ng nasabing kainan.

Nagmistulang isang shower room ang buhos ng tubig-ulan na tumatagas sa mga outlet ng ilaw sa loob nito dahilan para magkaron ng bahagyang tensyon, lalo’t nagsisimula na rin bumaha sa loob nito.

Bunsod na rin ng malakas na kulog at kidlat, ilang beses rin nawalan ng power supply (brown out) sa lugar.

Halos isang oras rin bago humupa ang ulan, kaya naman binaha ang ilang bahagi ng flooring na pilit kinokontrol ng mga staff ng food chain.

Para sa costumer na naroon, kakaibang karanasan ito sa kanila at wala naman naging problema dahil tuluy-tuloy lang sa pagkain dahil unli rice naman daw ang hatid na serbisyo ng naturang kainan. SID SAMANIEGO