TUGADE KINONTRA NG PETC, VACC SA ROAD SAFETY PROGRAM

Transportation Sec Arthur Tugade

SINALUNGAT ng dalawang grupo si Transportation Secretary Arthur Tugade sa pagpapatupad ng road safety program na naglalayong mabigyan ng proteksiyon ang buhay ng mga motorista, mananakay at mga pedestrian.

Lumilitaw na pinapaboran ng mga grupong kontra sa road modernization ang  dating sistema ng vehicle testing sa kabila ng katotohanang hindi nito magagarantiya ang kaligtasan ng isang sasakyan dahil isang uri lamang ng testing ang kanilang ginagawa.

Nagsama-sama ang mga grupong ito upang tutulan ang Private Motor Vehicle Inspections Centers (PMVIC) program ng pamahalaan  na ninais na mabiis na maipatupad ng Department of Transportation (DOTr) noong nakaraang taon upang matiyak na mabigyang-proteksiyon ang mga Filipino sa kalsada.

Sa ilalim ng bagong sistema, ang pagsusuri sa mga sasakyan ay ginawang mas komprehensibo ‘di tulad ng sa dating Private Emission Testing Center (PETC) na usok lang ng tambutso ang sinusuri at gina-gawang batayan ng pagiging roadworthy umano ng sasakyan.

Ipinaliwanag ni Sec. Tugade na ang PMVIC program ay hindi isang bagong programa at nakambimbin lang sa loob na ng ilang dekada.

“Hindi bago ang konsepto ng motor vehicle inspection system (MVIS) na ipatutupad sa pamamagitan ng mga centers. Halos apat na dekada na, mula pa noong 1983, Plinano na ng ating gobyerno ang isang sistemang bubusisi at titiyak sa roadworthiness at compliance sa emission standards ng mga sasa-kyan,”ani Tugade.

Nauna rito, kinontra nina Clean Air Movement Philippines, Inc. (CAMPI) President Hilario Pitpit at Vol-unteers Against Crime and Corruption (VACC) President Arsenio Evangelista ang PMVIC at sinabing magsasampa sila ng kaso para maipatigil ito.

Si Pitpit na may-ari ng isang PETC ay nagsabing may personal siyang kadahilanan kung bakit ayaw niyang matuloy ang makabagong programa sa road testing. Tulad ng ibang PETC owners, ang PMVIC ay ikalu-lugi ng kanyang negosyo at ng iba pang PETC owners.

“‘Pag na-privatize po ang MVIS (Motor Vehicle Inspection System), lahat na ng private vehicles at ‘yung public utility vehicles, ang mangyayari, isasarado na lahat ng private emission testing centers, ayon kay  Pitpit. “Pagkatapos, lahat na ng private vehicles at public utility vehicles, sa private MVIS na mapupunta.”

Gayunman, tambak din ang reklamo laban sa operasyon noon ng PETC, kung saan  maaari umanong pumasa sa pagsusuri ng PETC kahit pa hindi mo dala ang iyong sasakyan.

“Sa PETC kasi, puwede namang hindi mo na dalhin ang sasakyan mo, picture-picture lang, pakita sa ka-nila, ok na, may clearance na. Medyo mahal nga lang, nasa kulang-kulang  P1500, ganoon sa sistema na no-show,” ayon sa isang car owner.

Sa bagong sistema ng PMVIC, lahat ng sasakyan ay sumasailalim sa 60-point check na malayong-malayo sa emission test na ginagawa dati ng PETC. Ang testing centers ng PMVIC ay mayroon ding mga high-resolution CCTV camera upang matiyak ang integridad ng mga test at pangontra rin sa anumang opor-tunidad ng korupsiyon.

Iginiit ni Tugade na “obsolete” na ang PETC style ng testing kaya’t kailangan nang palitan at ma-upgrade.

“Ang ini-inspect lamang isang beses sa isang taon ay ang buga ng usok. ‘Yung roadworthiness inspec-tion, visual o gamit lang ang mata ‘pagkat puro sira at napaglumaan na ‘ho ng panahon ang ating mga MVIS. Masisigurado mo ba ang roadworthiness ng sasakyan sa buga lamang ng usok, o kung visual o ocular inspection lamang ang ginagawa?Hindi, dahil wala itong objective standards.”

Comments are closed.