TULONG NG SOUTH KOREA SA MODERNISASYON NG AFP WELCOME KAY FVR

FVR

WELCOME para kay dating pangulong Fidel Ramos  ang tulong ng South Korea para sa modernisasyon ng Sandatahang Lakas ng Filipinas.

Nauna rito, sinabi ni South Korean Ambassador Han Dong-Man na handa ang kanyang bansa  na tumulong sa modernization program ng  Armed Forces of the Philippines (AFP), katulad ng pagsu-supply ng mga helicopter, submarines at  mga sandata.

Sinabi pa ni Han na hindi umano malilimutan ng  South Korea  nang magpadala ang Filipinas ng mahigit sa 7,000 combat troops sa kanilang bansa noong Korean war.

Binigyang diin ni Ramos  kung gaano napaunlad ng South Korea ang defense industry nito sa loob ng maraming taon at ngayon ay gumagawa na rin sila, hindi  lamang ng infantry weapons kundi mga eroplano, helicopters, submarines at mga barko.

Si Ramos ay isang beterano ng Korean War na sumiklab noong 1950. Katatapos lamang ng kur­so sa US West Point nang magboluntaryo si FVR na mapabilang sa mga lumaban sa Korean War. Pinangunahan nito ang 20th Battalion Combat Team ng Philippine Expeditionary Forces sa Korea na sumakop sa Eerie Hill  matapos ang pakikipagsagupa sa Chinese forces.

Bumili ang bansa ng 12 FA-50 jetfighters sa South Korea  upang palitan na ang lumang F-5 supersonic fighter jets  ng Philippine Air Force  noong 2005. Nakompleto ng South Korea ang pag­hahatid ng mga eroplano noong nakaraang taon.

Comments are closed.