TULONG PINANSIYAL PARA SA MAGSASAKA, MANGINGISDA

ISABELA- LABIS ang kagalakan ng mga magsasaka ng palay mais at mga mangingisda sa lalawigang ito matapos ibigay sa kanila ang tulong pinansiyal mula sa Department of Agriculuture.

Ang nasabing tulong pinansiyal ay ipinagkaloob ni Agriculture Secretary William Dar kasama si Regional Director ng Region 2 Narsico Edillo.

Ang naturang programa ay napakaloob sa Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA), Fuel Discount Voucher Program Cum Farmers at Fisherfolk Month Celebration nitong Mayo 20.

Ang tulong pinansyal sa mga magsasaka ay personal na iniabot ni Dar nang bumisita sa lalawigan.

Ayon sa kalihim, dapat ay magbanat ng buto lalo ngayon na nasa panahon na ng krisis at nasa pandemic pa ang mundo.

Sa kanilang abot tulong pinansiyal ay mayroon din mga kabataan na magsasaka ang ginawaran ng parangal mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan partikular sa bayan ng San Mateo Ilagan City Benito Soliven At bayan ng Quirino Isabela. IRENE GONZALES