DAHIL sa kawalan ng quorum ng mga senador, bigong maipasa sa Senado kahapon ng madaling-araw ang panukalang P1.16 billion na supplemental budget ngayong taon para sa medical expenses ng mga apektado ng dengue vaccine na Dengvaxia.
Matapos maaprubahan ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL), kinuwestiyon ni senador Franklin Drilon ang kawalan nila ng quorum.
Samantala, ayon naman kay Senadora Loren Legarda, dapat ipasa ng Senado ang bill dahil hinihintay na ng mga biktima ng Dengvaxia ang supplemental budget bill na sinertipikahan pa ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang urgent.
Ayon sa senadora, dapat umanong ma-tackle na ang nasabing panukala para ang mga biktima ng Dengvaxia vaccine ay maka-avail na ang cash assistance.
“The rule is, we should have a quorum to discuss, take up any business. We’re here but unfortunately there are not enough of our colleagues in the hall to constitute a quorum and therefore we could not conduct business,” ani Drilon. VICKY CERVALES
Comments are closed.