TINIYAK ni House Appropriations Committee Chairman at Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles sa mga naturukan ng Dengvaxia anti-dengue vaccine na tuloy ang tulong mula sa gobyerno kahit hindi pa naipasa sa Senado ang panukala.
Umaabot sa P1.16 bilyon ang hinihinging supplemental budget ng Department of Health (DOH) para ilaan sa mga Dengvaxia vaccinee, ngunit nalaglag ito sa ikatlo at huling pagbasa.
Gayunman, pinayuhan ng mga kongresista ang DOH na gamitin pansamantala ang 2018 budget na nakalaan sa kanila habang hindi pa naipapasa sa mataas na kapulungan ng Kongreso ang naturang panukala.
Hindi muna maipatutupad ang inilatag na programa ng kagawaran para sa Dengvaxia vaccinees katulad ng pagkuha sa serbisyo ng karagdagang nurses para sa profiling at monitoring ng mga nabakunahan, ngunit tuloy naman ang paggamot sa kanila nang libre.
Tiwala naman si Nograles na sa pagbubukas muli ng sesyon ng Kongreso sa Hulyo ay tatalakayin agad at aaprubahan ng Senado ang nasabing supplemental budget. NENET L. VILLAFANIA
Comments are closed.