TULONG TAAL RELIEF OPS SINIMULAN NI BONGBONG

BONGBONG-2

SINIMULAN ni dating  Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.  ang planong relief operations para sa mga  evacuee ng  Taal Volcano sa bayan ng Tuy sa Batangas.

Namahagi si Marcos  kasama ang  supporters  mula sa Tulong Taal at Tuy LGU officials,  ng relief packs sa may 1,500 evacuees sa pitong barangay  sa nasabing bayan.

Binisita rin ni Marcos ang Barangays Luntal, Lumbangan, Talon, Palincaro, Ma­libu, Dao, at Guinhawa kasama si  Mayor Armando Afable at Vice Mayor Jose Jecerell Cerrado.

Naglalaman ang relief packs ng N95 face mask, instant noodles, bottled water, mga kumot, at personal hygiene kits at maging mga damit.

“The government’s response to the crisis has been very good. However, we wanted to focus on those who voluntarily left and are staying in evacua-tion sites that have received insufficient assistance,” pahayag nito.

Ayon sa mga opis­yal ng Tuy, ang mga evacuee na nasa kanilang lugar ay  mula sa mga bayan ng  Le­mery, Agoncillo and Taal  na napilitang lisanin ang kanilang mga bahay dahil sa panganib na dulot ng pagsabog ng bulkan.

“Please use the N95 masks, especially on your children because the air quality in the surrounding areas of Taal has not fully returned to normal. We may not see it, but fine particles may still be present and trigger their asthma,” paalala pa ni Marcos.

Comments are closed.