PINATITIYAK ni Senador Sherwin Gatchalian sa Department of Energy (DOE) ang tuloy-tuloy na serbisyo ng koryente sa bawat tahanan upang matulungan ang mga estudyante na gumagamit ng alternatibong sistema ng pag-aaral habang naghahanda ang mga ekuwelahan sa ‘new normal’.
Ayon kay Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Energy, bagama’t hindi lahat ng estudyante ay may access sa internet, may ilan namang maaaring gumamit ng ibang pamamaraan tulad ng radyo at telebisyon na kinakailangan din ng tuloy-tuloy na suplay ng kuryente.
Sinabi ni Gatchalian na maraming mahihirap na estudyante na nakatira sa mga remote o malalayong lugar ang wala pa ring elektrisidad at maaaring mahuli sa pag-aaral.
“Many underprivileged students living in remote areas have no electricity and they will be left behind in their studies by more socially advantaged students as well as those from private schools. The DOE should make true on its commitment of 100% electrification within the year,” ani Gatchalian.
Iginiit pa niya na dapat nang tuparin ng DOE ang pangako nitong 100 porsiyentong pagpapailaw sa buong bansa ngayong taon.
Comments are closed.