TULUNGAN NATIN SI COACH JUNEL MENDIOLA

on the spot- pilipino mirror

HANGGANG ngayon ay nasa Cardinal Santos Hospital pa rin si coach Junel Mendiola, nagpapagaling sa kanyang karamdaman. Sa tulong at awa ng Pa­nginoong Diyos ay nailipat na siya sa regular room, mula sa ilang linggong pananatili sa intensive care unit (ICU).

Ang 2002 drafted ng Purefoods Tender Juicy team at produkto ng PSBA at naging head coach ng Trinity College ay lumalaban sa kanyang sakit. Si coach Mendiola ay na-diagnose na may  malignant tumor sa kanyang lungs. Sasailalim  siya sa chemo at  radia-tion therapy upang paliitin ang masses sa kanyang baga.

Noong June 13,  nagdiwang ng ika-45 taong kaa­rawan si Junel. Ang wish ng kanyang maybahay, ang actress na si Shiela Ma-rie Rodriguez, ay sana tuluyan nang gumaling ang kanyang asawa sa karamdaman nito. At manumbalik na ang magandang ka-lusugan nito upang makabalik na rin sa pagko-coach at makapag-train ng mga bata kung saan  mahal na mahal ni coach ang magturo ng basketball sa kabataan.

“ God’s gift for your BIRTHDAY today dadi Junel

(No more respirator) Yehey!!! Getting better, stronger, and more Good news everyday

Thank you so much to all the PRAYER WARRIORS  Let’s continue praying for his fast recovery.

WE LOVE YOU ALL FROM THE BOTTOM OF OUR” Mensahe ni Mrs. Rodriguez mula sa kanyang FB account.

Patuloy po nating isama sa ating panalangin si coach Junel.  Marami pa siyang pangarap  sa kanyang pamilya at higit sa lahat, sa kanyang coaching career.

Sa mga makakabasa nito ay patuloy na humihingi ng tulong ang pamilya ni coach Junel para masuporta­han ang pagki-chemo at radiation therapy niya. Sa mga dating kasamahan niya sa basketball, kaibigan at teammates…

HAPPY, HAPPY, BIRTHDAY COACH JUNEL!!!

Comments are closed.