IKINAGULAT ng publiko ang biglaang desisyon ng Department of Education (DepEd) na isuspinde muna ang pagbubukas ng bagong school year para sa 2020-2021. Nag-anunsiyo ang DepEd na iuurong na sa Oktubre 5 ang unang araw ng klase mula sa orihinal na Agosto 24. Katulad ko, karamihan ang nag-akala na nabigyan na ng sapat na panahon ang DepEd para maghanda sa tinatawag na ‘blended learning’.
Ngunit nang muli kong pinag-isipan ang sitwasyon ng DepEd, at inilagay ko ang sarili ko sa sitwasyon nila, aking napagtanto na tama ang naging desisyon ng ahensiya na bigyan ng mas mahabang panahon pa ang mga paaralan at mga estudyante na maghanda. Mandato ng DepEd na ipagpatuloy na maglaan ng dekalidad na edukasyon sa susunod na henerasyon, pero sa ‘new normal’ na sitwasyon natin nga-yon, malaking pagbabago ang kailangang pagdaanan, at nangangailangan ng kaalaman sa makabagong information system. Dagdag pa rito ang bagong pangangailangan na digital communication devices.
Ang mga pamilya ng mga estudyante ay apektado rin nito, lalo na ang mga nanay na magsisilbing ‘home teachers’. Kailangan nila ng kaukulang oras para matuto at masanay gumamit ng makabagong teknolo-hiya. Kailangan ding pag-isipan ang gastos na kaakibat ng mga teknolohiyang ito, lalo’t karamihan sa mga Filipino ay apektado ng bumagsak na estado ng ekonomiya ngayon. Bukod pa rito ang community quarantine na umiiral ngayon sa bansa, prayoridad talaga ang panatilihing ligtas ang mga bata.
Kinakailangan ng suporta ng private sector para makapag-adjust ang education sector sa mga pagbaba-gong ito. Isa sa mga organisasyon na maaaring tularan ay ang One Meralco Foundation (OMF), ang cor-porate social responsibility arm ng Meralco. Sa kabila ng mga limitasyon, tuloy-tuloy ang OMF sa pag-sasagawa ng mga online meeting para sa beneficiaries ng kanilang School Electrification Program.
Nitong nakaraang buwan, ilang opisyal ng DepEd at ng siyam na paaralan sa Zamboanga del Norte ang sumali sa nasabing online meeting para mapag-usapan ang mga detalye at mga kinakailangan para sa nasabing programa. Ang mga paaralan ay nakatakda nang mabigyan ng koryente ngayong taon para matulungan ang mga guro para sa blended learning program ng DepEd.
Tuloy-tuloy rin ang OMF sa pagbibigay liwanag sa mga public school sa Western Samar at Masbate. Pito sa mga paaralan sa isla ng Sto. Nino, Western Samar at pito ring paaralan sa bulubundukin ng Aroroy, Claveria at Cawayan, Masbate ang nabigyan na ng solar panel na gumagamit ng 1kW Solar Photovoltaic System. Ito na ngayon ang pinagkukuhanan ng koryente ng nasabing mga eskuwelahan.
Malaki ang maitutulong ng programang nagbibigay ng liwanag at koryente sa mga paaralan, lalo na sa pag-uumpisa ng modular learning, partikular na sa paghahanda at pagsasaaayos ng mga learning mate-rial ng mga estudyante. Ilan ding mga paaralan na off-grid sa Zamboanga del Norte at South Cotabato ang tutulungan ng OMF na magkailaw.
Bilang pag-iingat, binibigyang kahalagahan ang kalusugan at kaligtasan sa pagpapatupad ng mga pro-gramang ito ng OMF. Bilang pagsunod sa mga health protocol, ang technical personnel ng Meralco ang naglalakad ng mga kinakailangang dokumento at nakikipag-ugnayan sa local government units.
Sa gitna rin ng krisis na ating pinagdaraanan ngayon, nagkakaroon pa rin ng mga pagkakataon na mag-sama-sama ang iba’t ibang kompanya para matulungan ang health sector. Kamakailan lang ay nag-turn over ang PLDT at Meralco ng mga hospital equipment na nagkakahalagang Php 45 million para sa ba-gong COVID facility ng East Avenue Medical Center (EAMC). Layon ng donasyon na ito na makatulong sa EAMC sa pagpapalawig pa nito ng bed capacity para sa dumaraming COVID patients.
Nagdagdag ang EAMC ng 60 pang mga hospital beds para sa emergency room wards at intensive care unit (ICU). Kasama rito ang mga kama na may kutson, mga mesa, foot stools, IV stands, kurtina, com-forters at draw sheets. Bukod dito, kasama rin sa donasyon ay mga kinakailangang karagdagang moni-tors, ventilators at iba pang gadgets na makatutulong lalo na sa mga pasyenteng nasa serious o kiritikal na kalagayan.
“Along with other private sector groups, we continue to support government efforts to fight the COVID-19 pandemic. We hope that our assistance to the East Avenue Medical Center for its new COVID-19 facility will help provide quality care for patients, especially during this critical phase of the health emergency,” sabi ni PLDT Chairman and CEO Manuel V Pangilinan.
Ayon naman kay Meralco President at CEO Atty. Ray C. Espinosa, ginagamit ng Meralco ang mga re-sources nito para makatulong sa pagtugon ng kinakailangang hospital equipment para sa bagong COVID-19 facility ng East Avenue Medical Center. Importante ito para madagdagan ng ospital ang ka-pasidad nitong magpagaling ng mga pasyente lalo na ngayong nasa gitna ng health crisis.
Dagdag pa sa mga programang ito ng kompanya, tuloy-tuloy rin ang OMF sa pagtulong sa lahat ng mga apektado ngayong pandemya. Nagbigay suporta rin sila sa mga naging biktima ng sunog sa Brgy. Sam-paloc 4, Dasmariñas, Cavite. Nagbahagi ang OMF ng hygiene kits para sa 179 na pamilyang nasunugan na pansamantalang tumutuloy sa evacuation centers.
Puno ng hamon ang taong 2020, pero lahat tayo ay may dapat gampanan at hindi dapat mawalan ng lakas ng loob na lumaban. Ngayong bumalik na tayo muli sa General Community Quarantine (MECQ), sinusubok muli ang kakayahan nating humarap sa mga problema at suungin ang bagong mundo. Kailangan nating isipin din kung ano ang puwede nating gawin para sa kapwa. Ayon nga sa Bibliya, “Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili.”
Inaasahang hindi na tayo makababalik sa dating normal na gawain natin bago magsimula ang pande-mya, kaya nasa ating mga kamay kung paano tayo magsisimula muli sa new normal na ating kakahara-pin.
Comments are closed.