NANINIWALA ang Department of National Defense na magkakaroon lamang ng pagkakataon na makamit ang tunay na kapayapaan kung wala na sa usapan si Communist Party of the Philippines Founder Jose Maria Sison.
Ipinaliwanag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na gumagamit ng pananakot at reverse psychology si Sison para isalba ang usapang pangkapayapaan.
Kung wala aniya kasi nito, maituturing na “irrelevant” si Sison.
Sa kabila nito, tiniyak ni Lorenzana na patuloy na isinusulong ng gobyerno ang pagsasagawa ng usapang pangkapayapaan sa bansa.
Kaugnay nito ay nanindigan naman si Government Panel Chair at Labor Secretary Silvestre Bello III na tuloy pa rin ang pakikipag negosasyon ng pamahalaan sa CPP-NPA-NDF sa harap ng patuloy na mga birada kay Pangulong Duterte ni CPP Founder Jose Maria Sison.
Sinabi ng kalihim na matatawag na “words of endearment” lamang ang mga binibitawang salita ni Sison lalo’t magkaibigan naman ang mga ito at dati ring estudyante ng Communist leader si Pangulong Duterte.
Binigyang diin pa ni Bello na wala namang bigat sa peacetalks ang mga pahayag ni Sison.
Matatandaang sinabi ni Sison mas gugustuhin niyang sumama sa mga grupong nais patalsikin sa puwesto ang Pangulo kaysa isulong ang peacetalks. NENET V.
Comments are closed.