(Pagpapatuloy…)
Tingnan naman natin ngayon ang taong 2026. Sa larangan ng artificial intelligence, layunin ng Pilipinas na maging isa sa mga nangungunang bansa sa ASEAN sa pamamagitan ng pagmumungkahi na magkaroon ng isang regional at legal framework para sa AI. Si House Speaker Martin Romualdez mismo ang nagpahayag nito upang ipakita ang kagustuhan ng bansa hindi lamang sa pagbuo ng pambansang polisiya kundi pati na rin ang pagkakaroon ng kontribusyon sa mga pamantayan sa rehiyon.
Tulad ng marami, ako rin ay naghihintay ng update tungkol sa mahalagang inisyatibang ito.
Bilang paghahanda naman sa eleksyon ngayong Mayo, naglabas na ang Comelec noon pang isang taon ng mga alituntunin para sa paggamit ng AI sa kampanya.
Ang mga alituntuning ito ay nagsasaad kung paano maaaring gamitin ang AI kaugnay ng eleksyon at kampanya upang matiyak na hindi maisasa-alangalang integridad ng halalan o kaya naman ay malito ang mga botante.
Ang hakbang na ito ay nagpapakita ng pagkilala ng pamahalaan sa impluwensya ng AI sa mga demokratikong prosesong gaya ng halalan.
Ang iba pang mga nakabinbing batas tungkol sa AI ay ang HB 7913 (Artificial Intelligence Regulation Act), HB 7983 (Artificial Intelligence Development Act, pagkakatatag ng National Center for AI Research), HB 9448 (Protection of Labor Against Artificial Intelligence Automation Act), HB 10385 (AI Regulation Act, pagkakatatag ng AI Bureau sa loob ng DICT), HB 10460 (proteksyon para sa mga empleyado dahil sa automation gamit ang AI), at HB 10567 (mungkahi para sa multa para sa hindi hayag na deepfakes).
Habang umuusad ang mga inisyatibang ito, mahalaga ang patuloy na pag-uusap sa pagitan ng mga stakeholders upang matiyak na ang mga regulasyon ay umaayon sa pag-unlad ng teknolohiya at ethical use ng AI.