TURISMO AT INFRASTRUCTURE, ISINUSULONG NI CONG.YAP

Eric Go Yap

TURISMO at infrastructure ang pagtutuunan ng pansin at paglalaanan ng malaking pondo sa Ba­yanihan 2 o ang Bayanihan to Recover as One Act para muling makabangon ang ekonomiya ng bansa dulot ng pandemya sa COVID-19.

Ito ang inihayag ni ACT-CIS partylist Rep. Eric Go Yap, chair ng committee on appropriations, matapos aprubahan ng Kongreso ang reconciled version nasabing Bayanihan 2.

“Sa pamamagitan ng Bayanihan 2, karampatang budget ang inilaan sa bawat ahensya para magtayo ng mga institusyonal na mekanismo para tulu­ngan ang ating mga kababayan na higit na naapektuhan ng krisis na ito. Isa sa sektor na higit na tinamaan ay ang turismo. Bago pa ang COVID-19, malaking porsyento ng kita ng ating pamahalaan ang galing sa sektor na ito,” ayon kay Yap.

Dagdag pa ng mambabatas, may pondo na inilaan sa ilalim ng Ba­yanihan 2 na magagamit para muling buhayin ang turismo sa bansa. Aabot sa P1 bilyon para sa tourism infrastructure, P3 bilyon para sa tourism workers na nawalan ng trabaho, at 6 bilyon para alalayan ang MSMEs at iba pang bahagi ng tourism industry sa pamamagitan ng soft loans, ang inilaan ng kongreso sa ilalim ng panukalang batas.

“Bilang Chairperson ng Appropriations Committee, patuloy tayong magbabantay sa pondong ito para magamit ng tama kung para saan ito nakalaan. Magiging malaking tulong ang turismo sa a­ting muling pagbangon. Kailangan din natin tiyakin na handa tayo tanggapin muli ang mga turista sa ating bansa at magiging ligtas sila kasabay ng ating tourism workers,” ani Yap.

Giit pa ni Yap, bukod sa mga kalsada at iba pang pag-upgrade ng mga tourism infrastructure, ina­asahan din ang pondo ay gagamitin para sa pagpapatayo ng mga pasilidad katulad ng CR at water stations na magagamit ng mga turista. Prayoridad din ang sanitation at hygiene.

“We are living under the New Normal. Kaila­ngan natin mag-adust at kumilos. We cannot just stand by and watch our economy crumble and our people starve right before our eyes,” giit pa ng mambabatas. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.