TURISTA BULAGTA, 3 PA MALUBHA

Bangka

AKLAN – PATAY ang isang Chinese tourist habang nasa malubhang kalagayan ang tatlong kasamahan nito matapos silang   iahon sa tubig nang tumaob ang sinasakyan nilang bangka habang nag-island hopping sa bayan ng Malay.

Idineklarang dead on arrival ang 45-anyos na turista habang dinala sa ospital sa bayan ng Kalibo ang 3 niyang kasamahan, ayon kay Lt. Cmdr. Mar-lowe Acevedo ng Philippine Coast Guard-Aklan Station.

Sa ulat na ibinahagi sa media ni Police Lt. Col. Jonathan Pablito, chief of police ng Malay, bandang alas-11:00 ng umaga naganap ang sakuna sa karagatang sakop ng Station 1 sa  Boracay ang pamosong Island resort sa bayan ng Malay.

Sinasabing sakay ng isang bangka ang  may 20 Chinese tourists sa karagatang sakop ng Station 1 at pabalik na sana ang mga ito mula sa pag-island hopping.

Habang papalapit na umano sa dalampasigan ay biglang tumaob ang bangka subalit agad naman umanong nasagip ang mga biktima ng mga kalapit na bangka.

Agad namang naitakbo ang mga turista sa ospital, subalit isa umano sa apat na biktima ang nalagutan ng hininga. VERLIN RUIZ

Comments are closed.