TURO NI HARING SOLOMON: UMIWAS SA KAYAMANANG GALING SA DAYA

“ANG pagkakamal ng salapi dahil sa kadayaan ay maghahatid sa maagang kamatayan.” (Kawikaan 21:6)

Tungkulin ng mabuting gobyerno ang magtatag ng katarungan sa bayan. Ang katarungan ay ang pagbibigay sa mga tao ng kung ano ang karapat-dapat sa kanila. Kung gumagawa ng masama ang isang tao, dapat ay maparusahan para hindi na umulit; at magkakaroon ng kapayapaan sa lipunan. Kung gumagawa ng mabuti ang isang tao, dapat ay gantimpalaan para lagi siyang gagawa ng mabuti; at lalaganap ang kapayapaan sa lipunan. Kapayapaan ang kondisyon ng kaunlaran. Ang sabi nga ng salawikaing Filipino, “”Kung walang katahimikan, walang pagsulong ang bayan.”

Ang sabi ng Bibliya, ang Diyos ay ang nagtatag ng mga pinuno sa gobyerno at binigyan niya ang mga ito ng kapangyarihan at tungkuling magganti at magparusa, Ang sabi ng Roma 13: 3-4, “Ang mga pinuno ay hindi dapat katakutan ng taong gumagawa ng mabuti. Ang mga gumagawa lamang ng masama ang dapat matakot. Kung ayaw mong matakot sa mga namumuno, gumawa ka ng mabuti, at pararangalan ka nila. Sila’y mga lingkod ng Diyos para sa ikabubuti mo.

Ngunit kung gumagawa ka ng masama, dapat kang matakot dahil sila’y may kapangyarihang magparusa.” Kaya bumubuo ng kapulisan, kasundaluhan at mga bilangguan ang gobyerno ay upang mapairal ang katarungan.

Kung hindi parurusahan ang masama, dadami ang mga kriminal, magiging magulo ang lipunan, aalis ang mga mabubuting tao, at babagsak ang ekonomiya.

Ganito ang nangyayari ngayon sa ilang bansa sa mundo. Dahil sa kawalan ng katarungan, nag- karoon ng anarkiya, pagdami ng mga krimiinal, at pagbagsak ng buong bayan.

Ang isang mabuting halim- bawa nito ay ang bansa ng Haiti.

Grabe ang korupsiyon sa gobyer- no nila. Dahil talamak ang pag- suhol, naging mga parang bulag ang mga tao sa gobyerno, lalo na ang mga hukom. Nakalulu- sot ang mga kriminal sa mga kasamaan nila. Nawala ang tiwala ng taumbayan sa gobyerno at lumaganap ang anarkiya o kawalan ng pagsunod sa batas.

Bumagsak ang gobyerno. Ngayon, ang nagpapatakbo sa bansa ay ang samu’t saring mga gang na nagpapaligsahan sa kanilang karahasan. Laganap ang patayan.

Talamak ang pagnanakaw. Wala nang gustong magbenta o bumili, dahil nanakawin lang ng madla ang ibinebenta mo. Namatay ang ekonomiya. Ang nananatiling “negosyo” doon ngayon ay kidnapping for ransom at pag-aarkila ng mga mamamatay-tao para magpatumba ng mga kaaway.

Ganito ang mangyayari sa isang bansang hindi ginagawa ng gobyerno ang kanilang basic na tungkuling pairalin ang katarungan.

Si Haring Solomon ay isang makatarungan at mabagsik na hari; siya rin ang nagsisilbing hukom na humahatol sa mga kaso ng mga mamamayan. Hinding-hindi puwede sa kanya ang anumang klase ng krimen sa kanyang bayan. Ang turo niya, “Ang kaharian ay matatag kung ang hari’y makatarungan, ngunit ito’y mawawasak kung sa salapi siya’y gahaman.” (Kawikaan 29:4). Sinabi rin niya, “Sa pagluklok ng hari upang igawad ang kahatulan, walang matatagong anumang kasamaan.” (Kawikaan 20:8). Hindi niya paaalpasin ang kasalanan ng pagsisinungaling.

Grabe ang parusa niya sa mga sinungaling. Isinulat niya, “Ang dilang sinungaling ay puputulin.” (Kawikaan 10:31) Sangayon akong parusahan ang pagsisinungaling; subalit hindi ako sang-ayon sa parusang putulin ang dila ng sinungaling. Dahil sa kabagsikan ni Solomon, hindi kataka-takang naging mapayapa at napakaunlad na bansa ang Israel noong kapanahunan niya; at binisita siya ng lahat ng mga hari ng daigdig para kumonsulta sa kanya.

Ang isang laganap na kri- men ngayon sa Pilipinas at ga- noon din sa buong mundo ay ang swindling o scamming. At lalong dadami pa iyan. Ang swindling ay pagsisinungaling. Sa tingin ko, 99% ng mga financial scheme na inaalok sa Internet ay pawang kasinungalingan at panloloko.

Maraming taong may mahinang pag-iisip ay nabibiktima ng mga masasamang taong ito. Paniwala ko na ‘di magtatagal, mabibis- to at mapaparusahan ang mga magnanakaw na gumagawa nito.

Ang isang kilalang-kilalang ta- ong nambiktima ng maraming Pilipino at namatay nang maaga ay ang bangkerong si Celso delos Angeles. Siya ang taong nasa likod ng isa sa pinakamalaking panloloko sa pananalapi sa Pili- pinas.

Itinatag niya ang Legacy Group of Companies, na nag-alok ng “double your money scheme,” at milyon-milyong tao ang napaniwala niya. Nang hindi na niya matupad ang pangakong kita sa mga investor niya, isinumbong siya ng ilang biktima sa Securities and Exchange Commission (SEC), na nag-utos na arestuhin siya. Dahil sa takot niyang mabilanggo, nagsabi siyang may sakit siya. Ipinasok siya sa St. Luke’s Hospital. Inatake siya sa puso at namatay. ‘Di matiyak kung talag- ang namatay siya sa atake sa puso o nagpakamatay siya.

Sa Estado Unidos naman, ang isang namatay nang maaga dahil sa pagsisinungaling at panloloko ay ang Judiong stock broker na si Bernard Madoff. Ang krimen niya ay ang kinikilalang pinakamalaking panlolokong naganap sa Amerika. Nagtayo siya ng Ponzi scheme o pyramiding na negosyo at natangay niya mula sa mga kliyente ang $50 billion o 3 trillion pesos! Nang bumagsak ang negosyo niya at hindi na maibalik ang mga pera ng mga kliyente, inireklamo at nakulong siya. Sa loob ng bilangguan, namatay siya dahil sa alta-presyon, sakit sa bato, at atake sa puso. Dahil sa krimen niya, napakaraming malalaking negosyo at institusyon ang nabangkarote. Kaya mag-ingat tayo sa paraan ng ating pagkita ng pera. Maging matapat tayo sa Diyos at kapwa-tao. Huwag tayong magsisinungaling. Maging makatotohanan tayo. Kung magkagayon, pagpapalain tayo ng Panginoon at magiging malinis ang paraan ng ating pagyaman.

vvv
(Maaari ninyong mapakinggan si T.Rex magturo sa kanyang YouTube Channel “PASSION FOR PERFECTION Inc.” Pakibisita po at mag-subscribe. Salamat.)