(Tututukan ng gobyerno) DAGDAG NA TRABAHO

Karlo Nograles

NAKATUON ngayon ang pansin ng pamahalaan sa pagpapababa ng bilang ng mga walang trabaho sa bansa, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.

“Sa pagpapataas ng suweldo ng mga manggagawa, right now dahil sa kinakaharap nating pandemya, kailangan nating balansehin muna. Kailangan muna natin ma-stabilize ang ating economy,” sabi ni Nograles.

Aniya, ang pinakamahalagang dapat tutukan ng gobyerno ngayon ay ang pagpapataas sa employment rate.

Sinabi ni Nograles  na hanggang noong October 2020, ang unemployment rate sa bansa ay nasa 8.7%, mas mataas sa 4.6% na naitala sa kahalintulad na panahon noong 2019.

“So ito ‘yung dapat natin ma-focus, ‘yung unemployment rate, na mas marami sa mga kababayan natin ang makakapaghanap at makakapagtrabaho,” aniya.

Comments are closed.