‘TV AIR TIME’ PINALILIBRE PARA SA ‘DISTANCE EDUCATION’ NG DEPED

Rep Wes Gatchalian-3

NAGHAIN ang isang House panel chairman ng panukalang batas na nag-aatas na magbigay ng libreng ‘air time’ ang lahat ng television networks, kasama na ang mga himpilang pagmamay-ari ng gobyerno, para gamitin sa ‘blended learning system’ na ipatutupad ng Department of Education (DepEd) ngayong papasok na school year.

Sa House Bill No. 6964 o ang panukalang Basic Education Distance Learning Program Act, nais ni Valenzuela City Rep. Wes Gatchalian na masigurong ang mga estudyante, partikular ang nasa malalayong lugar at walang internet connections, ay makasabay sa ‘distance learning scheme’ na mangyayari sa pamamagitan ng telebisyon.

“House Bill No. 6964 aims to provide continuity of learning and education to all students while physical classes or traditional face-to-face classroom lectures are not possible due to the coronavirus,” ang pahayag pa ng kongresista, na siya ring chairman ng House Commitee on Trade and Industry.

“While DepEd is leaning towards an alternative learning system with the internet as the primary delivery medium, this Represen-tation believes that an alternative learning system delivered through TV broadcast would be more inclusive and accessible to the masses,” pagbibigay-diin niya.

Ayon kay Gatchalian, sa ilalim ng iniakda niyang panukala, ang libreng TV air time ay dapat hindi bababa sa tatlong oras at ito ay maaaring gamitin sa pagitan ng 8:00 am at 12:00 noon, mula Lunes hanggang Sabado.

Subalit paliwanag niya, kapag ganap na naging batas, ito’y ipatutupad lamang habang patuloy na umiiral ang COVID-19 pandemic at hindi pa makababalik ang sistema ng edukasyon sa bansa sa tradisyunal na ‘classroom setting’ o ang pagkakaroon ng ‘face-to-face classes’.

Kaya naman sa pamamagitan ng HB 6964, ani Gatchalian, kinakaila­ngang gumawa ang DepEd, base sa sinusunod nitong K-12 curriculum, ng tatlong oras na ‘video lessons’ na ipa-i-ere sa TV stations kung saan ang tatlong oras kada araw na ‘Distance Learning Program’ ay dapat naglalaman ng katumbas ng dalawang subject o asignatura.

“The lessons will be aired from Monday to Saturday, 8:00am to 12:00 noon, and must be interactive and include activity materials or homework to reinforce the lessons which will be administered by the teacher in charge.” Sabi pa ng Valenzuela City congressman. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.