NAKOPO ng Far Eastern U at Adamson ang twice-to-beat incentives sa quarterfinals kasunod ng panalo laban sa magkahiwalay na katunggali sa Shakey’s Super League (SSL) Collegiate Pre-Season Championship Season 2 kahapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila.
Winalis ng FEU ang University of the East, 25-23, 25-17, 27-25, habang naitala ng Adamson ang reverse sweep kontra College of St. Benilde, 25-18, 10-25, 17-25, 25-18, 25-8 para sa Top 2 finish sa Pool F.
Tinapos ng parehong koponan ang kanilang playoff campaigns sa 5-1 kung saan kinuha ng FEU ang top spot matapos ang 25-20, 25-22, 25-20 panalo kontra Adamson. Nagbuhos si Faida Bakanke ng 14 points sa 11 attacks, 2 aces at 1 block upang pangunahan ang pagbawi ng Tamaraws makaraang malasap ang kanilang nag-iisang talo sa mga kamay ng St. Benilde sa limang sets.
Nag-ambag si Chenie Tagaod ng 8 points habang umiskor sina Florize Anne Papa, Kiesha Bedonia at Gerzel Petallo ng tig-6 points. at nagdagdag sina Mitzi Panangin at Alyzza Devosora ng tig-5.
“It’s a good game against CSB. Talagang breaks of the game lang. Siguro, binibit lang namin ‘yung pagtalo na ‘yun at nadala namin ‘yung mga lessons dito para makabawi sa mga pagkukulang namin,” sabi ni coach Manolo Refugia.
Nahulog ang CSB sa 4-2 sa Pool F, sapat para sa third place subalit may twice-to-win handicap laban sa second-seed Santo Tomas sa Pool E.
Bumagsak naman ang UE sa 2-4 para sa fourth spot sa Pool F, at naisaayos ang gigantic encounter kontra reigning champion at unbeaten Pool E leader National U (6-0) na may twice-to-beat incentive.