PARA sa kaalaman ng mga motorista, isasara ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ilang U-turn slots sa EDSA para bigyan daan ang pagpapatupad ng Busway project.
Unang isasara ang sa Setyembre 28 ng alas-12:01 ng madaling araw ang U-turn slot malapit sa Trinoma Mall at North Avenue, Southbound at Northbound.
Bago isara ay maglalagay muna ang MMDA ng directional traffic signs sa maapektuhang U-turn slot para na rin sa gabay ng mga motorista.
Kung kaya’t mula sa Southbound patungong Northbound maaring gamitin ng mga motorista ang Quezon Avenue service road U-turn slot.
Mula naman ng Northbound patungong Southbound ay maaring dumaan sa Quezon Academy U-turn slot.
Gayundin, ayon kay MMDA chairman Danilo Lim, may ilan pang U-turn slots sa EDSA ang nakatakdang isara para sa pagpapatupad sa EDSA Busway Project upang mas mapabilis ang biyahe ng mga motorista at mananakay.
Kabilang dito, ang U-turn slots sa De Jesus, Gen. Tinio, Malvar at Biglang-Awa sa Caloocan City; Balintawak, Kaingin, Landers, Dario Bridge, Walter Mart, Quezon City Academy, Trinoma, Timog at Santolan sa Quezon City. LIZA SORIANO
Comments are closed.