Standings W L
*Ateneo 13 0
*UP 10 2
*DLSU 8 5
NU 6 7
FEU 6 7
AdU 5 8
UST 3 9
UE 0 13
*Final Four
Mga laro sa Linggo:
(Mall of Asia Arena)
10 a.m. – AdU vs UE
12:30 p.m. – UST vs FEU
4:30 p.m. – DLSU vs NU
7 p.m. – UP vs Ateneo
LUMAPIT ang Ateneo sa pag-abante sa outright Finals, habang matagumpay na nakabalik ang La Salle sa Final Four ng UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena.
Kumarera ang four-peat seeking Blue Eagles, sumandal sa isa na namang malakas na second quarter, sa kanilang ika-13 sunod na panalo sa pamamagitan ng 70-53 pagdispatsa sa Far Eastern University.
Makaraang mabigong makapasok sa huling dalawang seasons, ang Green Archers ay nakakuha ng puwesto sa Final Four kasunod ng 64-51 pagbasura sa Adamson.
Hinila ang kanilang winning streak sa 39 games, maaaring kunin ng Ateneo ang kanilang ika-5 sunod na championship appearance sa panalo kontra University of the Philippines sa Linggo.
Ang 14-0 elimination round sweep ng Eagles ay maglalagay sa semifinals sa step-ladder format para madetermina ang kanilang katunggali sa best-of-three Finals.
Tumipa si Raffy Verano ng double-double na 17 points at 13 rebounds habang nagdagdag si Tyler Tio ng 14 markers para sa Ateneo.
Samantala, naitala ni Enzo Joson ang 13 sa kanyang 15 points sa first half at napanatiling buhay ng National University ang kanilang pag-asa para sa nalalabing Final Four sa 100-81 panalo kontra University of the East.
Iskor:
Unang laro:
NU (100) — Joson 15, Ildefonso 12, Mahinay 11, Manansala 9, Figueroa 9, Enriquez 8, Malonzo 6, Clemente 6, Flores 5, Torres 5, Felicilda 4, Galinato 4, Yu 4, Tibayan 2, Gaye 0.
UE (81) — Pagsanjan 16, Escamis 15, Lorenzana 14, Cruz 11, N. Paranada 10, K. Paranada 7, Guevarra 3, Sawat 2, Pascual 2, Beltran 1, Antiporda 0, Villanueva 0, Tulabut 0, Abatayo 0.
QS: 21-20, 52-36, 77-58, 100-81
Ikalawang laro:
DLSU (64) — Winston 19, Nelle 11, Lojera 10, Austria 6, Baltazar 6, M. Phillips 4, Nwankwo 4, Manuel 2, B. Phillips 2, Nonoy 0.
AdU (51) — Lastimosa 11, Peromingan 11, Sabandal 8, Zaldivar 7, Douanga 6, Manzano 4, Hanapi 4, Magbuhos 0, Colonia 0, Yerro 0, Barasi 0, Fuentebella 0, Maata 0, Jaymalin 0.
QS: 12-13, 27-26, 43-43, 64-51
Ikatlong laro:
Ateneo (70) — Verano 17, Tio 14, Belangel 8, Ildefonso 8, Mamuyac 7, Kouame 4, Koon 4, Mendoza 3, Padrigao 3, Chiu 2, Lazaro 0, Daves 0, Gomez 0, Andrade 0.
FEU (53) — Abarrientos 12, Gonzales 10, Torres 8, Alforque 5, Ojuola 5, Tempra 4, Sleat 3, Sajonia 3, Celzo 2, Coquia 1, Bienes 0, Sandagon 0, Li 0.
QS: 17-11, 33-23, 51-34, 70-53