Mga laro bukas:
(Mall of Asia Arena)
10 a.m. – DLSU vs UP
1 p.m. – UST vs NU
4 p.m. – Ateneo vs UE
7 p.m. – AdU vs FEU
NAHILA ng University of the Philippines ang kanilang winning run sa apat na laro, habang nakabawi ang La Salle sa pagkatalo sa Ateneo noong Sabado sa UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena.
Nalusutan ng Fighting Maroons ang matikas na pakikihamok ng Adamson, 73-71, habang ibinasura ng Green Archers ang University of Santo Tomas, 75-66, sa pagbabalik ng fans sa limited capacity sa Pasay venue.
Umangat ang UP at La Salle sa 4-1 papasok sa kanilang matinee showdown bukas na magpapasiya sa No. 2 team sa pagtatapos ng first round. Bago ang mahabang pahinga, ang Maroons ay nanalo sa kanilang huling apat na laro kontra Archers.
Sa iba pang laro ay pinutol ng Far Eastern University ang kanilang three-game losing streak laban sa University of the East na hindi nakasama si suspended coach Jack Santiago, 88-74.
Isang tres ni Ricci Rivero ang nagbigay sa UP ng 73-66 kalamangan papasok sa two-minute mark.
Tinapyas nina Didat Hanapi at Joshua Yerro ang bentahe ng Maroons sa 73-71.
Makaraang magmintis si Rivero sa tres kasunod ng timeout, tinangka ng Adamson na agawin ang kalamangan ngunit hindi pumasok ang tres ni Jerom Lastimosa.
“A win is a win but you know after this game, definitely we need to work on yung sa defense namin,” sabi ni UP mentor Goldwin Monteverde.
“Maraming lapses awhile go. I think going over sa next game namin, we need to look on yung part sa laro namin, ‘yung defense.”
Iskor:
Unang laro:
DLSU (75) — Baltazar 20, Lojera 15, Galman 13, M. Phillips 8, Nelle 4, Austria 4, B. Phillips 4, Nonoy 3, Winston 2, Nwankwo 0.
UST (66) — Fontanilla 20, Cabañero 20, Manaytay 9, Santos 9, Concepcion 4, Ando 2, M. Pangilinan 2, Garing 0, Manalang 0, Mantua 0, Herrera 0, Yongco 0, Gomez de Liaño 0.
QS: 23-16, 42-27, 61-44, 75-66
Ikalawang laro:
UP (73) — Lucero 20, Diouf 16, Tamayo 11, Rivero 10, Cansino 9, Cagulangan 3, Spencer 2, Abadiano 2, Fortea 0, Alarcon 0, Catapusan 0.
AdU (71) — Lastimosa 18, Douanga 16, Zaldivar 14, Colonia 4, Magbuhos 4, Manzano 4, Hanapi 3, Sabandal 3, Jaymalin 3, Yerro 2, Barasi 0, Erolon 0.
QS: 13-22, 39-39, 55-53, 73-71
Ikatlong laro:
FEU (88) — Torres 26, Ojuola 18, Gonzales 13, Sajonia 7, Alforque 6, Sandagon 6, Coquia 3, Abarrientos 2, Bienes 2, Sleat 2, Li 2, Celzo 1, Tempra 0, Gravera 0.
UE (74) — Pagsanjan 23, Sawat 8, Guevarra 7, Catacutan 7, Antiporda 6, N. Paranada 5, Beltran 4, Abatayo 4, Villanueva 3, J. Cruz 3, Escamis 2, Lorenzana 2, Tulabut 0, K. Paranada 0, P. Cruz 0.
QS: 20-6, 40-22, 57-45, 88-74.