Standings W L
UP 4 0
DLSU 3 1
NU 3 1
Ateneo 2 2
UE 2 2
AdU 2 2
FEU 0 4
UST 0 4
Mga laro bukas:
(Mall of Asia Arena)
9 a.m. – Ateneo vs FEU (Women)
11 a.m. – UP vs UST (Women)
2 p.m. – Ateneo vs FEU (Men)
4 p.m. – UP vs UST (Men)
NAGSILBING ‘wake up call’ sa La Salle ang pagkatalo sa fabled rival Ateneo kamakailan.
Makaraang malasap ang 72-77 decision sa back-to-back title-seeking Blue Eagles, naiposte ng Green Archers ang kanilang unang winning streak sa season upang sumalo sa second spot sa UAAP men’s basketball tournament.
“Our loss to Ateneo shook us in a way na we have to work together as a team. Sabi ko nga whatever it is we’re going through, as long as the same direction kami,” wika ni coach Topex Robinson makaraang pataubin ng La Salle ang Adamson, 71-58, noong Miyerkoles ng gabi.
“That ignited the fire within the team,” dagdag pa niya.
Sumandal ang Green Archers sa malaking third quarter, kung saan pinangunahan ni Kevin Quiambao ang 29-11 atake, 15 ay nagmula sa kanya.
Tumapos si Quiambao na may 17 points, 10 rebounds at 6 assists upang pangunahan ang Green Archers.
“Nung nag-stick kami sa system, kusang dumating ‘yun,” sabi ni Quiambao sa kanyang pivotal third quarter run.
“Good thing, in-enjoy lang namin and every possession, talagang vinalue namin. ‘Yung run na ‘yun is stick to the system lang,” dagdag pa niya.
Ang panalo ay magiging magandang tuntungan ng La Salle papasok sa mabigat na two-game stretch simula sa National University sa Linggo at sa University of the Philippines sa Miyerkoles. Ang Fighting Maroons ang tanging unbeaten team sa 4-0, habang ang Green Archers at Bulldogs ay magkasalo sa No. 2 na may 3-1 record.
Iskor:
DLSU (71) – Quiambao 17, M. Phillips 14, Nelle 12, Policarpio 6, Manuel 6, Nonoy 4, Nwankwo 3, Cortez 3, Escandor 2, David 2, B. Phillips 2, Macalalag 0, Abadam 0, Gollena 0.
AdU (58) – Calisay 12, Erolon 10, Manzano 8, Sabandal 7, Ojarikre 5, Montebon 3, Yerro 3, Magbuhos 3, Ramos 3, Colonia 3, Hanapi 1, Anabo 0, Barcelona 0, Canete 0.
QS: 18-13, 32-33, 61-44, 71-58.