UAAP: BULLDOGS TUMATAG SA NO. 2

Tinangka ni Renzo Competente ng FEU na makaalpas mula sa loose ball scramble sa kanilang UAAP men’s basketball duel sa AdU kahapon. UAAP PHOTO

Mga laro sa Sabado:
(UST Quadricentennial Pavilion)
12 noon – NU vs AdU (Men)
4 p.m. – DLSU vs UE (Men)

NALIMITAHAN ng National University ang University of the East sa apat na puntos sa second period at kumarera sa 68-49 panalo sa UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena.

Nahila ang kanilang winning run sa tatlong laro, pinahigpit ng Bulldogs ang kanilang kapit sa No. 2 spot na may 5-1 record.

Sa iba pang laro, umalagwa ang defending champion Ateneo sa payoff period upang pataubin ang University of Santo Tomas, 97-77, at manatili sa top four range, habang nalusutan ng Far Eastern University ang Adamson, 49-46, sa low-scoring affair upang iposte ang kanilang unang winning streak sa season.

Umangat ang Blue Eagles sa 3-3 kartada kasalo ang Falcons sa fourth spot, habang umakyat ang Tamaraws sa sixth place, kasosyo ang Red Warriors sa 2-4.

Tumipa sina Gambia’s Omar John at Jake Figueroa ng tig-12 points at 10 rebounds habang umiskor din si PJ Palacielo ng 12 points para sa Bulldogs.

Maghaharap ang Ateneo at University of the Philippines, na nagtagpo ang landas sa huling dalawang Finals, sa Linggo sa parehong Pasay venue.

Para kay coach Tab Baldwin, ang panalo ay magandang paraan para makapag-warm up ang Blue Eagles sa kanilang pinakaaabangang duelo sa Fighting Maroons.

“Generally speaking, it was a good game on both ends of the floor for us,” sabi ni Baldwin. “I think we need that kind of performance, especially going into the UP game and we’re happy. It’s gonna be a very, very happy dugout today.”
Nanguna si Chris Koon para sa Ateneo na may 21 points, 6 rebounds at 5 assists habang nakalikom sina Nigeria’s Joseph Obasa at Kai Ballungay ng tig-17 points.

Iskor:
Unang laro:
Ateneo (97) – Koon 21, Ballungay 17, Obasa 17, Amos 15, Espinosa 6, Chiu 6, Gomez 5, Brown 3, Celis 3, Lazaro 2, Credo 2, Quitevis 0, Bongo 0, Tuano 0, Nieto 0, Gamber 0.

UST (77) – Cabañero 21, Manaytay 17, Pangilinan 11, Crisostomo 8, Duremdes 7, Laure 5, Manalang 5, Calum 3, Moore 0, Lazarte 0, Llemit 0, Gesalem 0.

QS: 17-10, 40-33, 72-61, 97-77

Ikalawang laro:
NU (68) – John 12, Figueroa 12, Palacielo 12, Lim 7, Baclaan 6, Enriquez 5, Jumamoy 5, Malonzo 5, Manansala 4, Yu 0, Galinato 0, Delos Reyes 0, Gulapa 0, Parks 0.

UE (49) – Momowei 8, Remogat 7, Sawat 7, Lingolingo 6, Fikes 6, Langit 4, Maglupay 3, Galang 2, Cruz-Dumont 2, Alcantara 2, Cabero 2, Tulabut 0, Gilbuena 0, Spandonis 0, Manalang 0.

QS: 19-21, 31-25, 53-36, 68-49

Ikatlong laro:
FEU (49) – Gonzales 13, Sleat 10, Alforque 8, Torres 6, Bautista 5, Bagunu 3, Faty 2, Ona 2, Tempra 0, Competente 0.

AdU (46) – Yerro 12, Manzano 9, Magbuhos 7, Sabandal 6, Calisay 4, Colonia 3, Ojarikre 2, Hanapi 2, Ramos 1, Montebon 0, Barasi 0, Erolon 0, Barcelona 0.

QS: 8-21, 22-27, 32-34, 49-46.