UAAP: FIGHTING MAROONS TUMATAG SA NO. 3

Mga laro sa Martes:

(Mall of Asia Arena)

10 a.m. – UST vs DLSU

1 p.m. – UP vs AdU

4 p.m. – FEU vs UE

7 p.m. – NU vs Ateneo

PINULBOS ng University of the Philippines ang University of the East, 81-65. sa pagpapatuloy ng aksiyon sa UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena.

Nagbuhos sina  Zav Lucero at  Ricci Rivero ng tig-14 points para sa Fighting Maroons na hinila ang kanilang winning streak sa tatlong laro matapos ang season opening loss sa huling quadrupleheader bago pabalikin ang fans sa Pasay venue sa limited capacity simula sa Martes.

Sa iba pang laro, tumipa si John Lloyd Clemente ng18 points, 9 rebounds at 6 assists nang malusutan ng National University ang 33-point explosion ni Rjay Abbarientos para gapiin ang Far Eastern University, 73-68.

Naiposte ng University of Santo Tomas, sa pangunguna ng backcourt tandem nina Paul Manalang at Joshua Fontanilla na may pinagsamang 25 points, ang ikalawang sunod na panalo makaraang simulan ang season na may back-to-back double-digit defeats sa pamamagitan ng 79-72 pagdispatsa sa Adamson.

Ang Growling Tigers at  Bulldogs ay umangat sa 2-2 kartada sa joint fourth place.

Masaya si UP coach Goldwin Monteverde sa ipinakikita ng kanyang tropa makaraang simulan ang season sa pamamagitan ng 81-90 defeat sa defending three-time champion Ateneo.

“As a team, nag-i-improve kami and we just have to be consistent,” sabi ni Monteverde makaraang tumatag ang Maroons sa ikatlong puwesto.

Si CJ Cansino ang isa pang  Maroon sa double digits na may 10 points, pawang sa first quarter.

Iskor:

Unang laro:

NU (73) — Clemente 18, Malonzo 14, Ildefonso 13, Minerva 9, Felicilda 7, Figueroa 5, Joson 4, Galinato 2, Tibayan 1, Gaye 0, Enriquez 0, Yu 0, Torres 0, Manansala 0, Mahinay 0.

FEU (68) — Abarrientos 33, Alforque 13, Gonzales 9, Bienes 4, Tempra 4, Ojuola 3, Sajonia 2, Torres 0, Coquia 0, Sleat 0, Li 0, Sandagon 0, Celzo 0.

QS: 14-18, 32-33, 49-58, 73-68

Ikalawang laro:

UP (81) — Lucero 14, Rivero 14, Cansino 10, Tamayo 8, Diouf 7, Spencer 7, Calimag 6, Cagulangan 4, Abadiano 2, Webb 2, Eusebio 2, Lina 2, Catapusan 2, Fortea 1, Alarcon 0.

UE (66) — Escamis 16, K. Paranada 13, Pagsanjan 12, Catacutan 5, Lorenzana 5, Pascual 5, Guevarra 4, Tulabut 2, Sawat 2, Beltran 1, P. Cruz 1, Abatayo 0, N. Paranada 0, J. Cruz 0, Antiporda 0.

QS: 31-14, 50-32, 71-45, 81-66

Ikatlong laro:

UST (79) — Manalang 15, Fontanilla 10, Santos 9, Cabanero 8, Concepcion 7, Herrera 6, Ando 6, Manaytay 5, Mantua 5, Yongco 3, Gomez de Liaño 3, M. Pangilinan 2, Samudio 0, Canoy 0.

AdU (72) — Lastimosa 16, Douanga 16, Magbuhos 8, Peromingan 7, Zaldivar 6, Sabandal 5, Yerro 4, Colonia 3, Hanapi 3, Manzano 2, Maata 2, Jaymalin 0.

QS: 19-16, 45-41, 64-58, 78-72