Mga laro ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
8 a.m. – FEU-D vs Ateneo (JHS)
10 a.m. – DLSZ vs AdU (JHS)
12 noon – AdU vs Ateneo (Women Stepladder)
3:30 p.m. – UP vs UST (Men Final Four)
6:30 p.m. – DLSU vs AdU (Men Final Four)
UMAASA ang University of the Philippines na magamit ang kanilang twice-to-beat advantage laban sa University of Santo Tomas sa pagsisimula ng UAAP men’s basketball Final Four ngayong Sabado sa Smart Araneta Coliseum.
Ang second-ranked Fighting Maroons ay maingat kontra Growling Tigers, na nanalo sa kanilang huling dalawang laro upang tumapos sa third sa eliminations makaraang hawakan nang matagal ang No. 4 spot.
Nakatakda ang laro sa alas- 3:30 ng hapon.
“In terms of results, sure, at 2-0. But both games were closer than the final score. You know, UST is…with the experience, with Forthsky (Padrigao) at the point, also with (Mo) Tounkara and his abilities on both ends, you have Nic (Cabañero), and in their last game they found sort of like a magic bunot, kung tawagin nga ni coach Pido (Jarencio), yung kay (Amiel) Acido, is we’re gonna have to prepare for all of them. It’s gonna be a good series,” sabi ni UP assistant coach Christian Luanzon.
Ang Growling Tigers ay nasa kanilang unang Final Four appearance magmula noong 2019 nang umabot sila sa Finals matapos talunin ang Fighting Maroons ng dalawang beses sa step-ladder semifinals.
Binigyang-diin ni Jarencio na nakahanda ang UST na lumikha ng bagong kuwento, ang magtala ng reversal sa UP at umabante sa championship round.
Ang Fighting Maroons ay tumapos na may 11-3 record upang kunin ang top two spot.
Hindi na bago sa pagiging underdog, si Jarencio ay hindi malilimutan sa paggiya sa Growling Tigers sa kanilang 18th at pinakahuling kampeonato noong 2006 sa kabila ng pagiging third-ranked team sa Final Four sa kanyang rookie season bilang coach.
“Basta kami ang goal namin is, after this, we are here in the playoffs. Trabaho na ulit. Gawa tayo ng game plan kung paano talunin ang UP. parang David and Goliath yan, medyo maganda yung labanan na ito. Basta kami, laban lang kami, prepara kami. Ang mga players, healthy, ang Importante healthy kaming lahat,” ani Jarencio.
“Ngayon, preparasyon na kami para sa Final Four, playoffs against UP. Twice to beat sila, malay mo. bilog ang bola, may tsamba. Ganyan lang kami. Basta dito lang kami sa baba, nasa lupa lang kami, tignan namin. Pagtrabahuan lang namin,” dagdag pa niya.
Ang UST ang unang koponan matapos ng University of the East noong 1998 na rank third sa Final Four na may 7-7 record.
Puntirya rin ng defending champion La Salle ang makapasok agad sa Finals kontra Adamson sa alas-6:30 ng gabi.
ang Growling Tigers at the Falcons na mahila ang Final Four sa decider sa Miyerkoles sa Mall of Asia Arena.
Ang Game 1 ng best-of-three championship series ay magsisimula sa December 8, sa parehong venue.
Tinalo ng Green Archers ang Falcons para sa pinagsamang 55 points sa kanilang head-to-head ngayong season.
Ikinatuwa ni coach Topex Robinson ang pagiging top-ranked team, subalit walang plano ang La Salle na magkampante sa pinakamahalagang bahaging ito ng season.
“Well, it’s an honor also. it’s really nice to, you know, be part of the team that is number one, but at this point, there’s no more, it only got you to the Final Four, you know, but it hasn’t gotten you to the finals and eventually winning a championship,” sabi ni Robinson.
“There’s still a lot of work to be done. We want to be, we want to set our team to a high standard and then making sure that the things that we need to work on will be addressed,” dagdag pa niya.
Ang Kevin Quiambao-led Green Archers ang top offensive team ng liga na may 74.21 points per game.