Standings W L
Ateneo 7 0
UP 5 1
DLSU 5 2
NU 4 3
FEU 3 3
UST 2 5
AdU 1 6
UE 0 7
33 PANALO at nagbibilang pa.
Maagang nakontrol ng four-peat seeking Ateneo ang laro upang gapiin ang University of Santo Tomas, 91-80, at makumpleto ang seven-game sweep sa first round ng UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena.
Hindi tulad sa mga naunang laro kung saan lumayo sila sa third period, ang Blue Eagles ay nag-init sa second quarter, at itinarak ang 50-30 bentahe sa jumper ni Matthew Daves.
Ang Ateneo ay hindi pa nakatitikim ng talo magmula nang malasap ang 60-63 decision sa Far Eastern University noong October 10, 2018.
“We are not looking at the record,” sabi ni long-time assistant coach Sandy Arespacochaga, na pumalit kay Tab Baldwin, sa post-game interview.
Nauna rito, ipinalasap ng La Salle sa Adamson ang isa pang heartbreaker sa pamamagitan ng 61-58 panalo upang bitbitin ang third-best 5-2 record papasok sa krusyal na second round.
Naitala ni Mike Malonzo ang 11 sa kanyang 12 points sa first half at kumalawit ng 10 rebounds nang maitarak ng National University ang wire-to-wire 77-61 win kontra University of the East para sa 4-3 marka.
Iskor:
Unang laro:
NU (77) — Malonzo 12, Clemente 12, Galinato 9, Yu 8, Torres 7, Tibayan 7, Manansala 6, Enriquez 4, Minerva 4, Ildefonso 3, Joson 3, Felicilda 2, Figueroa 0, Flores 0, Mahinay 0.
UE (61) — K. Paranada 12, Catacutan 11, J. Cruz 10, Pagsanjan 7, Escamis 6, Antiporda 5, Sawat 4, Tulabut 4, Guevarra 2, Abatayo 0, N. Paranada 0, Beltran 0, Villanueva 0, Lorenzana 0.
QS: 22-9, 44-21, 68-39, 77-61
Ikalawang laro:
DLSU (61) — Manuel 14, Nelle 12, Winston 10, M. Phillips 8, Lojera 8, Baltazar 6, Galman 3, Nwanwko 0, Nonoy 0, B. Phillips 0.
AdU (58) — Lastimosa 15, Douanga 11, Sabandal 10, Hanapi 9, Zaldivar 5, Manzano 4, Magbuhos 2, Peromingan 2, Yerro 0, Colonia 0, Calisay 0, Erolon 0, Maata 0, Jaymalin 0.
QS: 15-15, 30-26, 45-42, 61-58
Ikatlong laro:
Ateneo (91) — Tio 20, Andrade 10, Koon 9, Belangel 9, Kouame 8, Mamuyac 8, Ildefonso 6, Daves 6, Lazaro 4, Gomez 3, Chiu 3, Padrigao 3, Verano 2, Mallillin 0, Mendoza 0.
UST (80) — Concepcion 22, Manalang 10, Fontanilla 9, Cabañero 9, Santos 9, M. Pangilinan 8, Mantua 5, Manaytay 3, Gomez de Liaño 3, Ando 2, Samudio 0.
QS: 27-19, 50-34, 74-58, 91-80