(UAAP Season 81 men’s football) DLSU VS ATENEO SA FINALS

football

Mga laro sa Huwebes:

(Rizal Memorial Stadium)

2 p.m. – DLSU vs FEU (Women Finals)

4:30 p.m. – DLSU vs Ateneo (Men Finals)

TINAPOS ng De La Salle  ang paghahari ng University of the Philippines sa pamamagitan ng 2-1 panalo upang makabalik sa championship match sa UAAP Season 81 men’s football tournament kahapon sa Rizal Memorial Stadium.

Ang rookies ang naging sandigan ng Green Archers sa buong season.

Isang linggo makaraang buhatin ni Xavi Zubiri ang koponan sa Final Four, si  Shanden Vergara naman ang nagdala sa La Salle, sa pagkamada ng 77th minute winner.

“They contributed a lot,” wika ni coach Alvin Ocampo patungkol sa talentadong rookie batch ng koponan.

Nagbalik ang Archers makaraan ang four-year absence at nagtatangkang wakasan ang 21-year title drought sa one-game final sa susunod na Huwebes sa parehong Malate venue.

Ang De La Salle ay naging ika-4 na sunod na No. 3 team na nakapasok sa Finals, kung saan naduplika nito ang nagawa ng University of Santo Tomas, Far Eastern University at Ateneo.

Sinibak naman ng Blue Eagles, sa likod ng second-half goal ni Jarvey Gayoso, ang Tamaraws, 1-0, sa isa pang Final Four pairing.  Nagbigay-daan ito para sa unang De La Salle-Ateneo Finals magmula noong  2006, nang makumpleto ng Katipunan-based side ang three-peat.

“In the Final Four, anything can happen.  It is more on who wants it more and who is prepared for the semis.  Now we are one step closer on our goal right now,” ani Ocampo, miyembro ng huling Archers side na nagwagi ng kanilang  ika-4 at huling kampeonato noong 1998.

Comments are closed.