(UAAP women’s volleyball) ATENEO, LA SALLE MAG-SASALPUKAN

volleyball

Mga laro ngayon:

(Mall of Asia Arena)

9 a.m. – UP vs UE (Men)

11 a.m. – UP vs UE (Women)

2 p.m. – DLSU vs ­Ateneo (Men)

4 p.m. – DLSU vs ­Ateneo (Women)

BUBUHAYIN ng ­Ateneo ang kanilang rivalry sa La Salle, ang ­tanging koponan na hindi tinalo ng defending champions noong nakaraang taon, sa UAAP women’s volleyball tournament ngayon sa Mall of Asia Arena.

Target ang ikalawang sunod na panalo, handa ang Lady Eagles sa mabigat na kalabang Lady Spikers, na sa kabila ng pagkakaroon ng walong rookies ay nananatiling isa sa mga contender para sa korona sa 4 p.m. match

Minaliit ni Ateneo coach Oliver Almadro ang panibagong kabanata ng kanilang rivalry sa La Salle. Ang Lady Eagles at Lady Spikers ay nagkrus ang landas sa championship round sa anim na sunod na taon mula 2012 hanggang 2018.

“’Yung rivalry, wala lang ‘yun. We’re just going to go hard and play our game,” ani Almadro.

Kung pagbabasehan ang kanilang season-opening 25-13, 25-17, 25-23 win laban sa University of the Philippines, nasa trangko ang Ateneo para maidepensa ang korona.

Maganda ang koneksiyon nina Senior Kat Tolentino, tumipa ng 15 points at 7 digs sa opener, at rookie Faith Nisperos, nagtala ng 10 points, kay setter Jaja Maraguinot.

Matikas din ang pagbabalik ni Jules Samonte bilang middle blocker, isang posisyon na kaila­ngan ng Lady Eagles sa pag-alis nina frontliners Bea de Leon at Maddie Madayag.

“Well, Jules had three blocks (against the Fighting Maroons) so I guess that speaks for itself na nakablock siya thats good for a middle blocker, she did her job and we know naman na parang si Ponggay (Gaston) they played a lot of positions,” wika ni Almadro.

“I’m grateful that I have players like that they heed to the needs of the team and they adjust right away,” dagdag pa niya.

Susuporta sa young guns ng Lady Spikers sina Tin Tiamzon, Aduke Ogunsanya, Michelle Cobb, Marionne Alba at libero CJ Saga.

Samantala, magtutuos ang men’s teams ng Ateneo at La Salle sa alas-2 ng hapon.

Sa morning session, magsasalpukan ang UP at University of the East sa alas-11 ng umaga, matapos ang bakbakan ng kanilang men’s squads sa alas-9.

Comments are closed.