DUBAI – NAG-ALOK ang pamahalaan ng United Arab Emirates ng amnestiya sa overstaying overseas Filipino workers (OFWs).
Sa ulat, simula Agosto 1 hanggang Oktubre 31 ngayong taon ay maaaring ma-avail ng amnestiya kaya hinimok ng Philippine Consulate at ng Phil-ippine Embassy ang mga overstaying OFW na sumailalim sa nasabing programa.
Ang sinumang interesado ay maaaring mag-apply online sa pcgdubai.ae.
Sinasabing ang pamahalaan ng Filipinas ang babalikat sa mga bayarin para sa pag-uwi sa bansa kasama ang air ticket.
Paglilinaw naman ng pamahalaan na hindi kasama ang OFWs na may mga kaso at pawang mga overstaying lamang.
Para sa mga walang pasaporte, ang konsulado na ang magpoproseso para sa kinakailangang travel documents. EUNICE C.
Comments are closed.