UMENTO SA SAHOD INAABANGAN SA SONA

Alan Tanjusay

KAABANG-ABANG para sa hanay ng mga manggagawa ang ihahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte bukas kaugnay sa dagdag sa sahod.

Inaasam ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) na ilatag ng Pangulo sa  kaniyang State of the Nation Address (SONA) ang mga gagawing hakbangin para makaramdam ng ginhawa ang mga mang­gagawa.

Giit ni  Alan Tanjusay, tagapagsalita ng ALU-TUCP, dapat mapawi ng Pangulo ang bumabalot na agam-agam sa milyon milyong manggagawa sa gitna ng pagsipa ng pres­yo ng mga bilihin at ng serbisyo.

Sinabi pa ni Tanjusay na umaasa ang mga mang­gagawa na bukod sa  dagdag sa sahod ay  may inaanunsiyo rin ang Chief Executive  kaugnay sa pagtuldok sa contractualization, pagpapababa sa presyo ng bilihin, at ga­wing ligtas ang mga lugar   pagawaan sa bansa.

Nais ng kanilang hanay na linawin ng Pa­ngulo ang direksiyong ti­na­tahak ng kaniyang pangasiwaan para sa tinatawag na genuine inclusive growth.

Matatandaang  inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA)   na mangangailangan   ang isang pamilya ng   P42,000  kada buwan o P1,400  kada araw upang mamuhay nang disente.

“The current wage rates obviously continue to be inadequate for a living wage. Due to supervening conditions, President Duterte must take jurisdiction over the wage boards and, as the Chief Executive, determine and adjust the wage rates,” dagdag ni Tanjusay.

Dapat umanong  i-adjust ng National Capital Region (NCR) Wage Board ang kasalukuyang P512 na  minimum wage sa Metro Manila. VERLIN RUIZ

Comments are closed.