CAGAYAN – ISA ang nasawi habang siyam ang sugatan sa banggaan ng dalawang sasakyan ng trailer truck at closed van sa bayan ng Tuao.
Dead on arrival sa pagamutan ang driver ng van na sumalpok sa trailer truck na si Arnel Ulakit, habang sugatan ang ilan sa kanyang mga pasahero. Sugatan din sa aksidente ang pitong lulan ng truck kabilang ang driver na si Jessie Dumenden.
Sa imbestigasyon, sinabi ni P/Stop Stg. Voltaire Cabaggan, na habang tinatahak ng dalawang sasakyan ang Daang Maharlika ay kasagsagan ng malakas na ulan na siyang nakikitang dahilan ng banggaan ng trailer truck at closed van na ikinasawi ng driver at ikinasugat ng ilan.
Sa pahayag ng PNP-Tuao, tinangka umano ng driver ng truck na iwasan ang isang nakalaylay na kable at biglang nagpreno subalit dumiretso ito sa kabilang linya ng kalsada dahil sa madulas umano ang daan kaya nabangga nito ang van.
Kasaluyan pang inaalam ng PNP-Tuao kung may katotohanan ang ulat na namatay na rin ang dalawang iba pa kabilang ang isang babae. IRENE GONZALES
Comments are closed.