UNANG ARAW NG PAGDINIG SA KASO NG MGA NAMATAYAN SA DENGVAXIA ITINAKDA

NAGTAKDA na ang pa­nel of prosecutors ng Department of Justice (DOJ) ng petsa para sa pagdaraos ng preliminary investigation sa mga reklamong kriminal na inihain ng ilan sa mga kaanak ng mga namatay na batang naturukan ng Dengvaxia.

Sa subpoena na inis­yu ng lupon, itinakda ang unang araw ng pagdinig sa Mayo 15, 2018.

Nabatid na kasama sa mga ipinatatawag ang mga complainant na kinakatawan ng Public Attorney’s Office (PAO), gayundin ang mga respondent na kinabibila­ngan nina da­ting Health Secretary Janet Garin, kasalukuyang Health Secretary Francisco Duque, mga dati at kasalukuyang opisyal ng DOH, pati na mga opisyal ng Zuellig Pharma Corporation at Sanofi Pasteurs.

Ang mga respondent ay nahaharap sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide, torture resulting in the death of any person, at torture committed against children na paglabag sa Republic Act 9745.

Ayon sa PAO, ang mga namatay na biktima ay dumanas ng multiple organ failure at brain hemorrhage. Ana Rosario Hernandez

 

 

Comments are closed.