UNANG OBISPO NG TANDAG, SURIGAO DEL SUR PUMANAW NA

Retired Redemptorist Bishop Ireneo Amantillo

CEBU – NAGLULUKSA ngayon ang Simbahang Katoliko at maging ang lalawigang ito sa pagpanaw ng kauna-unahang obispo sa Tandag, Surigao del Sur.

Si Retired Redemptorist Bishop Ireneo Amantillo ay pumanaw sa edad na 83 bunsod ng prostrate cancer.

Ang obispo na kampeon sa ipinaglaban nitong karapatan ng mga mahihirap pati na ang pagbigay ng edukasyon sa mga lumad at integridad sa paligid ay namatay pasado alas-8:25 ng umaga kahapon sa Redemptorist House ng Cebu City.

Napag-alamang na 23 taong nagsilbi bilang obispo sa Tandag City si Amantillo.

Isinilang si Bishop Amantillo noong Disyembre 10, 1934 sa Alimodian, Iloilo at naordinahan bilang Redemptorist priest noong Disyembre 16, 1962.

Pagsapit ng Enero 1976, itinuro siyang Auxiliary Bishop ng Archdiocese ng Cagayan de Oro at pagkalipas ng dalawang taon ay itinuro naman siyang unang bishop ng Tandag hanggang sa kanyang pagretiro noong 2001.

Si Amantillo ang ikapitong Filipino prelate na namatay nitong taon kasunod nina retired Bishop Jesus Varela ng Sorsogon, retired Auxiliary Bishop Zacharias Jimenez ng Butuan, Bishop Jose Oliveros ng Malolos, retired Bishop Camilo Gregorio ng Batanes, retired Archbishop Edmundo Abaya ng Nueva Segovia at Bishop Wenceslao Padilla sa Mongolia. EUNICE C.

Comments are closed.