UNANIMOUS VOTE KAY COMELEC CHAIR ABAS

NAKAKUHA ng unanimous vote mula sa makapangyarihang Commission on Appointment (CA) si Commission on Elections (Comelec) Chairman Sheriff Ma­nimbayan Abas.

Si Abbas ay una nang napili ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakalipas na taon bilang kapalit ni resigned Comelec Chairman Andres Bautista.

Bago naging pinuno ng komisyon, nagtrabaho si Abas bilang law professor at acting assistant regional director ng Civil Service Commission sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Nakamit niya ang law degree sa Ateneo de Davao University noong 2004, habang ang undergraduate degree naman sa Philosophy ay nakuha niya sa Notre Dame University, Cotabato City noong 1999.

Pero isa sa napag-usapan nang maitalaga siya sa Comelec ay ang relasyon niya kay Moro Islamic Liberation Front (MILF) Chief  Negotiator Mohagher Iqbal.

Hindi naman itinatanggi ni Abas na pamang­kin siya ni Iqbal at wala raw masama sa pagiging kaanak ng isang opisyal ng rebeldeng grupo.

Sa panayam sa Senado ay  sinabi ni Abas na marami pa itong dapat na ayusin sa Comelec para tuluyan nang maiwasan ang failure of election.   VICKY CERVALES

 

Comments are closed.